"Wala ka yata sa club nu'ng saturday night?" tanong ni Michelle. Ngumiti lang ako.
"Huwag mo akong ngitian, Angelina. Pinuntahan kita sa bahay mo, pero sabi ng kapitbahay mo may sumundo daw sayong naka-Rolls royce na sasakyan. Lalake na hot," buong detalye niyang wika.
I rolled my eyes.
"Sumama lang ako sa mga bago kong friends sa beach," palusot ko.
"Friends? Kailan ka pa nakipag-friends at sumama sa outing. Eh napaka-Kj mo nga eh," pangongontra niya.
"Kahapon lang," wika ko naman.
"Nakakatampo ka," wika niya at sumimangot.
"Bakit?" maang kong tanong.
"Ayaw mo kasi magkuwento."
"I met him in the club, last friday night," panimula ko.
Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Michelle.
"Really? And?"
"I got drunk, he brought me home. He got my number, that's it."
"And why did you end up giving your number to a stranger?" maintriga niyang tanong. Tinignan din niya ako ng may panunuri.
"I'm drunk. I just woke up the next morning and next thing I knew, he's calling asking me out for dinner. Of course I said no, you know me." Ayaw ko ng ikuwento lahat dahil napaka-OA niya.
"I don't know you," usal niya na kina-irap ko.
"You said no but you ended going with him to a beach, overnight? Really?"
"Don't be OA. He's with his friends."
"Still you did go with the stranger you just met. We've set you on dates that you always refuse and never gone for second date. But now. Really? To a stranger, bumigay ka ng gano'n lang?"
"Hey, virgin pa ako noh?"
"Just take care of your heart," wika niya na parang nababasa niya ang nararamdaman ko. Bumuntong hininga ako.
"I don't know Michelle, but I feel like all of a sudden I am so attracted with this guy," wika ko. Tinapik niya ako sa balikat.
"Congrats, friend. You've moved on," masaya niyang wika. Ngumiti ako at umiling. Yeah, maybe I've moved on.
...
Naka-ilang buklat na ako sa pahina ng libro pero wala man lang ako naintindihan sa binabasa ko ngayon. It's wednesday night at alas-siete pa lang ng gabi. Mahaba pa ang gabi at pakiramdam ko hindi na naman ako makakatulog agad.
Ayaw ko namang mag
Pumunta ako ng kusina at binuksan ang fridge upang kumuha ng beer. Pero wala na itong laman. Kailangan ko ng mag-grocery sa weekends.
Pinulot ko ang pouch ko. Bibili ako ng beer sa malapit na convenience store.
Naglakad lang ako dahil nasa ilang metro lang ang layo nito sa tinitirhan ko.
Kumuha ako ng basket at tinungo ang beverages section. Isang case ang kinuha ko. Sa weekends kailangan ko na talagang mag-grocery ng mga stocks. Kumuha din ang ng Lays at Ruffles pangpulutan.
"Wanna get drunk?" wika ng baritonong boses. Kumalabog ang aking dibdib sa pamilyar na boses.
Nilingon ko siya at nakita ko na may munting ngiti ito sa mga labi.
Nilagpasan ko lang siya, babayaran ko na ito agad upang makaalis na dito.
"Hey," tawag niya sa'kin. Nagbingi-bingihan ako.
Pagkatapos kong magbayad ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na siya makita pa sa loob ng convenience store.
Pero paglabas ko ay nakita ko siya na nakatayo sa labas ng kaniyang sasakyan. Talagang hinintay ako. Ano naman kaya ang kailangan sa'kin ng lalakeng ito.
"Angel," tawag niya sa'kin.
Agad na akong humakbang pauwi. Kung bakit ba kasi naglakad ako. Dapat nagdala ako ng sasakyan.
Sinusundan niya ako gamit ang kaniyang sasakyan. Mabagal lang ang takbo nito na para bang sinasabayan ako sa aking paglalakad.
Napapairap ako sa kawalan.
"Lets talk," pakiusap niya.
Binilisan ko ang lakad na tila hindi niya ako maaabutan. Napapailing ako.
"Please," pakiusap niya.
Bumuntong hininga ako at agad huminto sa paglalakad.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin, Joaquin?" wika ko. Seryoso ko siyang tinignan.
"We need to talk." Binuksan nito ang kaniyang passenger seat.
Nag-alinlangan pa ako pero pumasok na din ako. Ayaw kong sundan niya ako hanggang sa tinitirhan ko.
Dinala niya ako sa isang coffee shop. Nakahalukipkip lang ako habang nakatingin sa kape na naka-serve sa harap ko.
"I'm sorry."
Sarkastiko akong tumawa sa kaniya.
"We both know that you don't mean that," kontra ko.
"I didn't mean to hurt you, Angel," seryoso nitong wika.
"But you did," mariin kong sambit. Hindi ako puwedeng magtaas ng boses dahil ayaw kong magdulot ng eskandalo.
"I'm sorry for being a jerk."
"You're a f*****g asshole," mura ko sa kaniya. Nakita ko siyang namangha.
"So, that's what you learned for three years of stay here?" tanong niya na tila ba lito.
"Everyone change, Joaquin. Even you, you changed." Tukoy ko sa biglang pagbabago ng puso niya.
"Minahal kita, at totoo 'yun."
"What do you want?" walang gana kong wika.
"Your forgiveness. Please."
"I won't ever forgive you," matigas ang aking pagkakasabi para malaman niya na wala ng makakapagpabago ng aking isip.
"She's pregnant," mahina niyang wika. Parang may kirot sa'kin ang sinabi niya na 'yon.
"So? That's why you're here to ask for my forgiveness and move on on your wedding?" mapait akong tumawa.
Tumango siya.
"I can see that you've moved on. Please tell my grandparents and mom that you already did move on."
"What is it to do with me?" tanong ko. Pero alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
"You know that our relationship is just an agreement between our families, we can't push through with the wedding because mom and my grandparents won't let me because of you."
"Mabuti pa sila. They consider my feelings. Pero ikaw, hindi ko nga alam bakit pinagtiyagaan kita."
"Please, Angel," inabot niya sa'kin ang phone niya.
"I won't ever make a call, Joaquin. Bahala kayong magdusa."
"Bakit ba ang tigas mo? Hindi na ikaw ang Angel na minahal ko."
"Hindi na nga ako, Joaquin. Hindi na ako ang Angel na sunod lahat sa gusto mo. Hindi na ako ang Angel na minahal ka. Pero huwag kang umasa na ako pa ang tatawag sa mommy mo para sabihin na payagan na kayo sa kasal niyo."
Tumayo na ako at maglakad. Pero naalala ko na nasa sasakyan pala niya ang pinamili ko.
"Kukunin ko ang beer sa sasakyan," wika ko sa kaniya. Tumayo siya at naglakad. Kita ko kung paano siya kabigo. Ngumisi ako.