"Sorry, I'm late," hingi ko ng paumanhin kay Rachelle pagdating ko sa table na pina-reserve niya. "It's okay, napaaga lang ako," sagot naman niya. Nagtawag na ito ng waiter para sa order namin. Habang hinihintay ang order ay nagkaroon ng ilang minuto na katahimikan. Para bang biglang naging awkward ang lahat. Naalala ko tuloy noong una kaming magkita ni Rachelle. Kinse anyos lang kami noon pareho. Transferee siya galing US. Maarte siya, madaldal at impulsive, ako naman ang kaniyang opposite. Pero kahit gano'n pa man ay nagkasundo kami. Natutuwa din ako sa kaniya. Marahil ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Kung hindi lang siguro ako anak ni mommy ay hindi ko kailangang umasta ayon sa gusto niya. Pero one day bigla na lang niya akong iniwasan. Sobrang nasaktan ako no'n. Nakade