"Ginalit mo si Sir Jake. Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong ni Ivy, ang sekretarya ni Jake. "Sinabi ko lang naman ang ayaw niyang marinig," sagot ko at natatawa. "Ikaw talaga, kaya lodi na kita eh," wika nito. "Pa'no, una na ako. Alas singko na. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya. "Madami pa akong tatapusin. Ingat ka. See you tom." Kumaway din ako sa kaniya ng umalis na siya. Alas siete na ng gabi pero hindi ko pa nakakalahati ang mga kailangang ayusin na papeles. Ineencode ko din kasi ang ilang details bawat documents. Sumasagi sa isip ko ang mga napapanood sa mga horror movies pero pilit ko itong isantabi dahil mas kailangan kong matapos ang mga tambak na papeles. Halos mapatalon pa ako sa gulat ng magbukas ang pintuan ng opisina ni Jake. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa