Walang namutawing salita mula sa akin. Wala akong mahagilap na tamang salita upang sagutin ang sinabi niya. Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa marinig namin ang pagbukas ng elevator. Nauna siyang magbawi ng tingin at nauna ng maglakad palabas ng elevator. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mesa ng kaniyang sekretarya. Tumayo ang secretary niya at agad sumalubong sa kaniya ng may kasamang mapang-akit na ngiti. Maganda ang secretary at sexy din itong manamit. Masakit sa mata ang kaniyang cleavage na nakalitaw dahil sa tatlong butones na hindi niya inayos. "Sir, you have a meeting at- "Cancel all my appointments this afternoon," putol ni Jake sa sinasabi ng kaniyang secretary. Mukhang mainit pa din ang ulo base sa pakikitungo nito sa kaniya. "But sir- "D