PINING "Direk, sorry dun sa biglaang pag-alis ko sa team building ha. Emergency lang kasi talaga kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa lahat." yeah. Kailangan kong magsorry dahil napagalitan nya ako sa text nung isang araw. Hindi ko man lang daw kasi sya pinagsalita bago ako lumabas. Hindi pa man daw, nagpapaka-diva na ako. Hay nako, hindi ko man lang napagtanggol yung sarili ko. Kung alam lang kasi nya yung totoong dahilan nung pagwo-walkout ko. Kasalanan kasi ni, hay nako na lang ulit. Nevermind na lang. "Okay na yon. Basta wag na lang mauulit ha." sabi naman ni Direk kaya sunud-sunod na tumango ako. Pagkatapos naming mag-usap, nakangiti (plastik 'to ha!) akong lumapit kay Charity. At nung nakita kong suot na naman nya yung kwintas, gustung-gusto kong haklitin yon sa leeg nya