PINING "Direk, ang boring ng party mo." reklamo ni Klarisse and in fairness, agree ako sa kanya dun sa part na yon. Kanina pa kasi kami nandito pero puro usap at inom at kain lang yung ginagawa namin. Kamusta naman yon diba? "Tinatanong ka ba?" pambabara naman ni Direk kay Klang. "Hindi nga. Pero sinasabi ko nga sa'yo yung problema. Sabi mo, team building 'to or party para magkakilanlan yung casts nung movie na gagawin nyo. Eh ang kaso, sa nakikita ko, kung sino lang yung magkakakilala, sila lang yung nag-uusap. Yung hindi nila kilala, dedma. Well, hindi naman siguro dahil ayaw nilang kausapin yung isa't-isa. It's just that, wala kasi siguro silang alam tungkol sa taong yon so hindi nila alam kung ano yung topic nila or kung papa'no nila kakausapin yung taong yon." mahabang paliwanag n