PINING "So-" "Gusto mong--" okay awkward. Kanina sobrang tahimik namin. Tapos nung naisipan kong magsalita, nakisabay pa sya. Nakakaloka. Jusko, bakit kasi bigla-bigla yung desisyon ko na ako na lang yung sasabay sa kanya eh. Sana pala, pumayag na lang ako na silang dalawa ni Charlie yung magkasabay. Eh di sana, hindi ganito kabilis yung t***k ng puso ko. Tsk. "S-sige, ikaw na. Ano yung gusto mong sabihin?" saglit syang sumulyap sa akin bago itinuon ulit yung mata sa daan. Ngumiti naman ako sa kanya. Naisip ko kasing mas maganda kung masisimulan ko ma kung ano man yung pinaplano ko diba? "Wala naman. I just want to ask you sana if kamusta ka na. Last week pa ako umuwi pero hindi pa tayo masyadong nagkakamustahan at nagkakausap ng matino." ngiti ko pa sa kanya. Ang galing-galing ko na