Chapter 34

1176 Words

NAPATINGIN sa kanila ang mga manggagawa ni Nikki at napangiti na lang si Caden at binati ang mga ito nang ipinakilala siya ni Mang Nacio sa mga kasamahan. Ang edad ng mga ito ay nasa mid-forties pataas, babae at lalaki. Pero kalimitan ay mga kalalakihan para gumawa ng ataul at mga babae naman ang kalimitang mananahi ng mga damit para sa patay. Halos lahat ay naka-mask at ang iba ay may transparent glasses o goggles na gamit para proteksyunan ang mga mata, lalo na ang mga nagkikiskis gamit ang sandpaper. Ang iba rin ay may suot na guwantes o kaya naman ay apron na may maraming mantsa ng pintura. Puro naka-jeans at T-shirt na luma ang suot ng mga ito, pati mga sapatos o kaya ay tsinelas lang. Halatang mahihirap ang mga ito. Nakita niya rin ang mga nakakalat na tools, mga kahoy at iba pang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD