MARAMING natutunan si Caden habang gumagawa ng kabaong. May realisasyon din siyang nabuo. Tama si Nikki. Lahat ng mga tao ay pupunta roon. Ayaw lang niya na maagang darating ang mga mahal niya sa buhay sa hantungang iyon. At hiling niya sa Panginoon na sana magtatagal pa ang pagsasama nila ni Nikki, hanggang sa tumanda silang dalawa. Nag-snacks sila nang dumating ang in-order ni Nikki na pizza at soft drinks. Limang klase ang in-order nito—ang merong beef, ang may magkahalong pork at chicken, ang Hawaiian, ang may maraming cheese at ang vegetable lang. Gamit nila ang tissue para hawakan ang slices ng pizza habang kumakain nang sabay. May nagbibiruan pa tungkol sa trabaho ng mga ito at nag-uusap din ng ilang problema sa punerarya. “Masuwerte talaga tayo rito kay Nikki. Oras na mamatay ta