NAGING busy si Nikki sa punerarya habang busy rin si Caden sa sarili niyang business trip. Tawag at text lang ang naging tulay sa kanila na maging malapit pa rin sa isa’t isa sa kabila ng distansiya na ilang oras. Iyon nga lang ay may pagkakataon ding nakakalimutan niya ang cell phone at naiiwan sa kaniyang mesa sa opisina kapag nakasuot lang siya ng saya na walang bulsa. Paminsan-minsan kasi ay may kausap siya na kliyente sa chapel o kaya ay sa showroom. Ang binata naman ay nagtatampo o kaya ay nagseselos sa tuwing hindi niya agad nasasagot ang tawag o kaya ay ang text man lang nito. “I don’t want to be rude, you know?” bungad ng dalaga kay Al na nasa opisina na naman niya mga alas siyete isang gabi. “We’ve already reached an agreement. Nagkausap na kami ng mga tauhan mo sa kumpanya mo