“ITO ang sorpresa na sinasabi ko sa ‘yo,” sabi ni Caden kay Nikki na inalis ang blindfold sa mga mata niya. Napamangha siya sa kaniyang nakita nang makita ang malaking signage ng Tranquilidad Funeraria at ang malapad na gusali na may dalawang palapag. Napalingon siya sa kaniyang asawa. “Ito ang ipinagawa mo nitong huling mga buwan nang hindi mo man lang sinabi sa ‘kin kaya ayaw mo akong magpatayo muna ng gusali sa tapat ng hotel mo?” Namimilog ang mga mata niya. Napangiti sa kaniya ang lalaki. “Oo. Iyon nga lang, kahit anong hanap namin ng butas ni Sam para mabayaran ka ng insurance, wala pa ring nangyayari.” Niyakap niya ang kabiyak. “Wala na akong pakialam sa pera ng insurance company na ‘yon. Sumuko ka na roon. Pero ayos lang ba sa ‘yo na hindi mo na ako madaling mabibisita mula sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books