KINAGABIHAN ay naisipan ni Caden na puntahan ulit si Nikki sa bahay nito. Kahit ilang beses na siyang nagtungo roon at hindi nito hinarap ay nagbabaka-sakali na naman siya ngayon. “Alam kong nandiyan siya Mena,” aniya sa kasambahay ni Nikki. Dala-dala niya ang isang pumpon ng bulaklak ng rosas, lilies at stargazers. “Eh… ayaw ka pa rin niyang kausapin, Kuya Caden, eh,” alanganing anang Mena sa kaniya. “Papasukin mo lang ako, ha? Sige na, Mena. Favor naman, please,” pakiusap niya pa rin. “’Di ba boto ka naman sa ‘kin para sa kaniya?” Napakamot ito ng batok at napilitan na itong papasukin siya. Alam niyang naaawa na rin ito sa kaniya dahil sa among nagmamatigas pa rin. Pagkapasok niya ay iniwan na siya ni Mena habang tinatawag ang pangalan ng nobya. “Nikki, lumabas ka naman please,” pak