NAHABOL si Nikki ni Caden bago pa man siya makapasok sa elevator samantalang napalingon sa kanila si Jasmine nang nag-aalala bago nito tiningnan nang masama si Thalia sa loob ng opisina ng pinsan nito. Hinawakan ni Caden si Nikki sa braso. “Why are you leaving?” Niyakap siya nito pero itinulak niya ang lalaki. “Bakit hindi? May kayakap kang babae! Baka makaistorbo lang ako sa inyo!” “What? That’s ridiculous! Hindi naman ako yumakap sa kaniya kung nanood ka lang nang husto at ‘di agad umalis. Siya lang ang yumakap sa ‘kin. At walang malisya ‘yon.” “Ano? Bakit walang malisya? Alam kong karelasyon mo ang babaeng ‘yon noon at malay ko kung kayo na naman, ‘no? Tumawag nga siya sa ‘yo nang hatinggabi, remember?” galit na pakli niya. Hindi man lang niya masabi ang pangalan nito. “Nagpasalama