NAPATINGIN si Caden sa kaniyang relong pambisig. He was going to meet an anonymous client. Ayaw kasing sabihin ang pangalan nito nang magpa-appointment kay Sam. Isa itong dagdag na potential investor sa kaniyang shipyard na ongoing project niya. Kahit meron na siyang partners dito ay mas maiging may dagdag pa. Napatingin siya sa paligid ng restoran na mangilan-ngilan lang ang mga tao kahit oras ng pananghalian. Siguro ay dahil may maraming kompetisyon ito sa area na ito. Pero high class itong napili ng kliyente niya. High class din ang modernong interior design. Napakaaliwalas nitong tingnan dahil sa monochrome color sa gitna at metallic naman sa bawat gilid. May pendant lighting fixture sa kanang bahagi habang salaming dingding naman sa kaliwa. Ang mga mesa ay metallic gray ang kulay at