“SO, have you decided?” anang Caden kay Nikki habang nagmamaneho ng kotse pauwi sa bahay ng dalaga sa gabing iyon. “Yes, tatanggapin ko na ang proposal ni Mr. Trillanes. It’s just business, Caden. Alam mo ‘yon. Besides, ikaw na rin nagsabi, ‘di ba?” tugon ng dalaga sa katipan at sinulyapan ito na may matiim na ekspresyon sa mukha. “Yeah…” mahinang anito. Hinawakan niya ang isang kamay nito at pinagsalikop ito sa kamay niya saka ipinatong sa kaniyang hita. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Hindi naman na gabi-gabing pumupunta sa office si Mr. Trillanes. Wala ka nang dapat ipag-aalala. Besides, hindi ko naman papatulan ‘yon. Boyfriend na kita bago pa siya dumating sa buhay ko, eh!” “Kung hindi pa, sasagutin mo ‘yon kung manliligaw sa ‘yo? Gano’n ba?” Napatawa siya. “Hindi siguro… Feeling ko h