“At madam, sobrang ganda n’yo po pala. May lahi po ba kayo?” Ngumiti ako. “Half American ang papa ko.” “Siguro ang ganda-ganda rin ng mama mo po?” Mabilis ko s’yang tinanguan. “Sabi na ‘e. Kayo po ang pinakamagandang asawa ni Sir Ryū at pinakabata po.” Natawa na lang ako ng hilaw. Hindi ko na lang sasabihin na 29 years old ako. Inaalagaan ko kasi ang sarili ko. Marami akong skin care para maiwasan ang skin aging kaya med’yo baby face ako tingnan. “What is your name again?” “Sephora po, Madame.” I nodded. “Thanks for making me this sandwich. It tastes good.” Napa-ngiti ko naman s’ya. “Sa tingin ko rin, ikaw ang pinakamabait na naging asawa ni Sir Ryū, madame.” Humarap ulit s’ya sa lababo pero kinakausap n’ya pa rin ako. “Paano mo naman nasabi ‘yon?” “Kasi… ‘pag po nagbibisita