"Nagustuhan mo ba baby?" "Oo Vince, ang ganda sinong may idea ng gano'n?" "Si Vency, humingi kasi ako sa kaniya ng tulong at siya rin ang gumawa mismo ng lahat ng yon." "So iyan ang pala ang surpresa mo sa akin?" "Yes, baby para hindi ka na maka tutol pa, sabi ko kay Vency ay pagandahin niya yung tipo na hindi mo ako magagawang tatanggihan." Sabay kindat niya sa kaniyang mahal. “Iyan din ba ang dahilan kaya lagi kang may kausap sa gabi?" "Yes, it's true binasag mo naman ang cellphone ko kaya hanggang ngayon ay hindi pa maayos iyon." "Bakit kasi may palihim lihim ka pa, at sa gabi ka talaga nakikipag usap ng sikreto huh!" "Hindi ko naman alam na selosa ka pala mahal, pero kung nalaman ko agad noon na gano'n magiging reaksyon mo ay hindi ako sa gabi nakipag usap sa organizer na yon."