Napakaganda ng lugar, hindi magawang kumurap man lang ni Andrea sa mga nakikita. White sand at napakalinis ng buong paligid. “Baby, nagustuhan mo ba?” “Vince, napakaganda rito, totoo ba na malapit ng maging sa iyo ang lugar na ito?” “Sa atin baby, regalo ko sana ito sayo kaya lang hindi na surprise. At kaya dito tayo mag spend ng vacation dahil gusto kong ikaw mismo ang magbigay ng ideya para sa nalalapit na renovation.” “Napaka ganda rito, hanggang saan ba ang kabuuan nito?” “Buong isla baby, at gusto ni Vency na maki-share. Kaya plano ko ibigay sa kaniya nag kabilang side. Pero mamili ka muna kung saan mo gusto.” “Gusto kong dito magpatayo ng bahay.” “Lahat ng gusto mo baby, sabihin mo lang.” “Pinsan, sobrang laki ng lugar na ito, at sa totoo lang ay mas maganda pa ito kumpara sa