NAIA, Mabigat ang bawat hakbang niya palabas ng arrival area. Hindi nga niya namamalayan ang pagsalubong ng kaniyang driver bodyguard sa kaniya. Kundi pa nito kinuha ang luggages niya ay saka pa lang niya ito nilingon. “Boss, welcome back.” “Thank you Jun.” Matapos pagbuksan ng pintuan ang amo ay sumakay na agad siya at pinasibad ang sasakyan patungo ng Mansyon Forbes. Gusto niyang kumustahin ang boss niya at sabihin dito ang mga natuklasan ngunit sa tingin niya ay hindi ito ang tamang oras. “Jun, anong balita?” “Okay lang ba kung ngayon mo malalaman o mamaya na lang?” “What is the news?” Binuksan niya ang compartment sa harapan at kinuha ng old cellphone ng amo. “Here, boss.” “Old cellphone ko ito ‘di ba? “Yes, boss at pasensya ka na hindi ko sinunod ang ipinag utos mo.” “Anon