Women's Prison Correctional. “Ms. Perez, may dalaw ka.” “Po?” “May dalaw ka, bilisan mo.” Sino naman kaya ang dadalaw, unang beses na may bumisita sa kaniya. At talagang masaya siya, sigurado ang kapatid niya at baka nalaman na nito na nakakulong siya. Habang naglalakad ay inaayos niya ang buhok na hindi pa nadaanan ng suklay. Gano’n din ang suot na uniform. Kahit paano ay maging maayos siya sa paningin ng kapatid. Ayaw niyang lalong mag alala ito sa sa kalagayan niya. Nang malapit na sila sa visiting place, naghanda siya sa pag ngiti. Ngunit napahinto siya sa paglalakad ng hindi ang kapatid ang naroon. “Ms Perez? Bilisan mo at nasasayang ang oras.” Saka lang siya nagmamadaling humakbang. Seryoso siyang tumingin at humarap sa lalaki. “Anong kailangan mo Attorney Montemayor?” “A-and