Chapter- 28

2596 Words

Halos midnight na ng maihatid ni Jun sa mansyon si Victoria. Magkakasunod na suntok ang tinamo niya sa kapatid nitong si Vency. “Kuya! Ano ba? Sa halip na magpasalamat ka sa kaniya ay ganyan pa ang isalubong mo! Lagi ka na lang nanakit ng taong walang kasalanan!” “Umalis ka riyan! Huwag mong ipagtanggol ang tarantadong yan! Pagkaalis nyo pa lang sa bahay ni Andrea ay tumawag na sa akin si Kuya Vince para sabihin na parating na kayo! At anong oras na ha? Tapos ipagtatanggol mo ang lalaking yan? Bakit may relasyon ba kayong dalawa?” Shock si Victoria mga pinagsasabi ng kapatid. At nang sulyapan niya si Jun ay nakaramdam siya ng kakaiba sa binata. Awa o hindi niya alam kung ano iyon. Ilang beses na ba itong nasasaktan ng kapatid dahil sa kaniya. Kaya nilapitan ito at hinawakan sa braso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD