Natanawan nila ang palabas na lalaki. “Boss, nariyan na.” “Sundan mo lang kung saan siya putungo.” nakakaramdam siya ng pagsama ng pakiramdam. Tila nasusuka siya at may masakit rin sa kaniyang tiyan. “Copy, boss Vince.” "Ayos ka lang Kuya? "Yeah, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Pero huwag mo akong alalahanin at okay lang ako." "Sigurado ka Kuya?" "Yes, brother, kaya huwag mo na akong pansinin." binuksan niya ang compartment sa harapan at may kinuha siyang gamot. Pag sinusumpong siya ng pag sakit sakit ng tiyan at at nakakaramdam na tila nasusuka ay iniinom niya iyon. "Ano ang gamot na yan brother?" "Binili ko lang sa Pharmacy, baka acidic ako kaya ganito ang tiyan ko." "Okay." Few hours later…. “Kanina pa tayo sunod nang sunod sa tarantadong yan at baka maubusan na tayo