Walang gumalaw sa kanila nanatiling magkkadikit ang kanilang mga labi, halos nagpalitan lang sila ng hininga. Nang maalala ni wai, na may asawa si Luke ay siya na mismo ang umiwas dito at nilayo ang kayang mukha sa mukha ni Titus. Natapos ni Luke ang paglagay ng seatbelt kay Wai, kaya pumunta na ito kaya sumakay na rin ito sa sasakyan at pinaandar na ito. Habang asa biyahe sila ay walang gustong umimik sa kanilang dalawa. Nanatiling nakatingin lamang si Wai sa may daan.
"Saan ang bahay mo?" Basag ni Luke sa kanilang katahimikan. Napaisip naman si Wai, kung sasabihin nito kungb saan siya ngayon nakatira alam niyang alam ni Luke ang lugar na iyon.'
"A-ah' ibaba mo na lang ako sa may mini store may bibilhin pa ako bago ako uuwi." Pagpapalusot niu Wao, dahil. Ayaw niyang sabihin dito kung saam siy nakatira.
"Bumili ka na, hihintayin kita para ihatid kita mismo sa tinitirhan mo." Sabi naman ni Luke na gusto rin niton malaman kung saan nakatira ang babae.
"Huwag na, mauna ka na lang umuwi." Sabi naman ni Wai.
"No! Mariin na sagot ni Luke. Gusto niyang safe si Wai, na makauwi sa tinitirhan nito delikado na ngayon ang panahon, at maulan pa. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pa.
"Pumayag na nga akong ihatid mo, at pewede ba, dito mo na lang ao ibaba at umalis kana?" Ani Wai dahil ayaw niyang magkaroon pa ng utang na loob kay Luke.
"Wai, bakit ang tigas ng ulo mo, iba dito sa ibang bansa maraming masasamang tao sa panahon ngayon." Sabi naman ni Luke.
"Kaya ko sarili ko at hindi ko kailangan ang tulong mo." Galit na sabi ni Wai, tinanggal nito ang jacke na pinasuot ni Luke sa kanya, sabay bukas ng pinto ngaunit mabilis ang kamay ni Luke at agad niya itong ni-lock kaya hindi makalabas si Wai."
"Ano bang ginagawa mo, hindi mo ba alam sa ginagawa mong ito pewede kitang kasuhan?" Galit na wika ni Wai kay Luke.
"Then, do it!" Mariin na sagot ni Luke.
"Ano pa bang kailangan mo?" Sigaw ni Wai kay Luke.
"Pewede makinig ka muna sa akin?" Ani Luke.
"Please lang tama na dahil sawang-sawa na ako, at pagod na pagod na ako!" Ani Wai.
"Please lang pagmamakaawa ni Luke dito.
"Tama na, please lang kung gusto mo pa akong makita sa kumpanya mo, buksan mo ang pinto." Utso ni Wai, dahil ayaw na niyang pakinggan pa ang anaumang paliwanag ni Luke tama na ang kanyang nakikita sa isip niya. Dahil natakot naman si Luke na baka aalis si Wai at baka hindi na niya ito makikita kaya hinayaan niya itong lumabas. Agad namang tumakbo si Wai at pumara ng taxi sakto naman na may dumaan na taxi. Halos masuntok ni Luke ang manobela ng kanyang sasakyan. Dahil ayaw siyang pakinggan ni Wai, sa mga mali nitong hinala sa kanya. Paano at kailan kaya niya masabi ang buong katutuhanan ang tungkol sa kanila ni Debora at ang bata.
Parang gustong sumigaw ni, Wai, sa mga oras na iyon para ilabas niya ang sama ng kanyang loob palihim na lang siyang imiiyak sa loob ng taxi. Sana hindi na lang siya umuwi ng bansa kung ganito lang din ang kanyang mararanasan. Pagdating niya sa kanyang condo ay doon siya umiyak ng umiyak wala siyang kakampi sa mga oras na iyon kundi ang tanging pag-iyak lang, para maibsan ang sama ng loob na kanyang nararamdaman.
--
Sa kalagitnaan ng malakas na ulan ay dinala si Luke sa isang bar at doon niya nilunod ang sarili sa alak, wala siyang magagawa para maipaliwanag kay Wai, ang lahat. Wala ang mga malalapit na tao na handa siyang damayan sa mga oras na iyon. Kaya tangging alak lang ang kanyang karamay sa mga oras na iyon. Maraming babae ang nakapalibot sa kanya at isa na doon ang babaeng kilala rin sa lipunan. Nagpakilala ito kay Luke.
"Hi, pewede ba kitang samahan mukhang mag-isa ka lang ata." wika ng maganda at seksing babae sa kanyang harapan.
Tiningnan muna ni Luke nag babae mula ulo hanggang paa saka ito sumagot.
"Sure." sagot lang ni Luke, at umupo ang babae sa kanyang tabi nagpakilala ang babae kay Luke at ganoon din si Luke. Nagkwentuhan ang dalawa habang imiinum ng alak na nasa kanilang harapan. Nawalang bigla ang problema ni Luke sa mga oras na iyon dahil sa kanyang kausap na babae, hanggang sa naparami na ata ang ininum ni Luke at medyo nahilo na siya kaya nagpaalam na ito sa babae para umuwi na. Bago umalis si Luke ay kinuha muna ng babae ang kontak number ni Luke at binigay naman nito. Masaya ang babae na nakilala si Luke.
"Sure akong magkikita pa tayo." sa isip ng babae habang nakangitin ito.
---
Masakit ang ulo ni Luke, kinabukasan dahil sa kalasingan nito kagabi nasa sahig lahat ng kanyang mga damit na nagkalat wala man lang siyang saplot na natira, dahil medyo tinatamad pa siya ay hindi muna siya bumangon. Tiningnan nito ang kanyan cellphone at may nagmessage sa kanyang hindi pamilyar na number binasa niya ito at saka lang niya naalala ang babaeng nakausap at nakainuman nito kagabi ang nagmessage sa kanya, napangiti na lang si Luke sa naalala.
---
Pasalamat si Wai, dahil wala si Luke sana hindi ito papasok sa kanyang isip para makapagtrabaho siya ng maayos. Lunch break nila kaya kasama ulit niya si Dex, para maglunch sa may canteen sa building na iyon. Habang kumakain sina Wai, at tumawag si Jix, na kailangan daw niyang mareport mamaya sa opisina nila, sumang-ayon naman si Wai, dahil talagang ganoon ang kanilang patakaran. Kaya pagkatapos kumain ni Wai ay nagpaalam ito kay Second na pupunta muna saglit sa kanilang opisina at babalik din kaagad. At binigyan naman nito ng pahintulot at sasabihin na lang nito kay Luke, pagdumating ito kun hahanapin siya.
Pagdating ni Wai sa kanilang opisina ay agad siyang sinalubong ni Jix.
"Hoy, kumusta na namiss kita kaagad." ani Jix sabay tapik sa balikat ni Wai.
"Aba akala mo isang linggo na ang nakipas ah?" ani Wai kay Jix at kasabay niya itong naglakad papunta sa opisina ng kanilang boss.
"Good afternoon, Sir." Bati ni Wai sa kanilang boss naiwan na si Jix sa labas.
"Good afternoon too, maupo ka." sabi naman ng kanilang boss. Napansin naman ni Wai na may bisita nag boss na nakaupo sa may sofa ngunit nakatalikod ito sa kanya. Mukhang pamilyar ang likod ng lalake. Habang may sinasabi ang boss nito ay nakikinig lang si Wai, ngunit bakit ang lakas ng tahip ng kanyang dibdib sa mga oras na iyon, panakaw niyang sinusulyapan ang lalaking nakatalikod sa kanya habang may binabasa ito. Nakikinig lang si Wai sa mga sinasabi ng kanyang boss, ng biglang tumayo ang lalaki at humarap sa kanila.
"Dad, aalis na ako." paalam ng lalake ngunit nagulat ito ng makita kung sino ang kausap ng ama.
"Wai?" nanlaki ang mga mata nitong nakita si Wai. Nang-init naman bigla ang katawan ni Wai ng nakita nito ang lalake.