Chapter 8

1097 Words
"Wai?" Wika ng lalake ng makita nito si Wai. "Dave?" Sambit ni Wai. Si Dave ay naging classmate ni Wai, sa ibang bansa. "Dito ka nagtatrabaho?" Tanong ni Dave kay Wai. "Oo, pero may contract akong isang taon sa labas." Sagot ni Wai "Good, lagi pa rin tayong magkikita." Nakangiting sabi ni Dave. "Magkakilala kayo?" Tanong ng ama ni Dave na boss ni Wai. "Yes, Dad, classmate ko siya sa ibang bansa." Sagot naman ni Dave sa ama. "Mabuti, kung ganoon." Nakangiting sagot naman ng ama nito. "That's all for today, Wai." Sabi naman ng boss ni Wai, kaya nagpaalam na ito para bumalik na sa trabaho baka hinahanap na siya ng kanyang amo. "Ihahatid na kita." Presinta ni Dave. "Huwag na mag taxi na lang ako."sagot naman ni Wai. "Magpahatid ka na Wai, dahil madadaanan din niya pauwi ang buliding na iyong pinapasukan." Sabi naman ng boss nito. Sumang-ayon na lang si Wai para hindi na humaba ang usapan nila. Pinagbuksan ni Dave ng pinto si Wai at nauana na itong lumabas. Nagpaalam naman si Wai, kay Jix na aalis na at kumaway lang ang kaibigan dahil may kasama si Wai at may ginagawa rin ito. "Dito lang pala tayo magkikita." Ani Dave habang nagmamaneho. "Kaya nga." Maiksing sagot ni Wai dito. Naiilang kasi siya noong nangyari sa kanila sa ibang bansa noon, pero kahit ganun hindi pa n nagbabago ang lalake sa kanya. Mabait si Dave, kahit may pagka-arrogant ito, guwapo at matalino sakto lang ang pangangatawan nito. "Kumusta naman ang trabho mo sa labas?" Tanong ni Dave. "Okay lang naman." Sagot lang ni Wai. "Good, alam kung kayang-kaya mo at easy lang sayo ang work mo." Sabi naman ni Dave. "Kakayan ito ang sinumpaann nating trabaho eh." Sagot naman ni Wai. "Balak ni Dad, na ilipat na sa akin ang pamamahala ng kumpanya pero sabi mo saka na dail hindi pa ako handa bigyan pa niya ako ng mga isang buwan" mahabang sabi ni Dave kay Wai. Tumango lang si Wai, hindi niya alam bakit sinasabi sa kanya ni Dave, ang mga ito. Hindi na nila napansin na nasa harapan na sila sa building kung saan nagtatrabaho si Wai, agad na bumababa si Dave at pinagbuksan si Wai. Sakto namang dating ni Luke, kitang-kita ni Luke si Wai at ang lalaking kasama nito. Parang umakyat ang dugo lahat ni Luke sa kanyang ulo sa nakita. At nauna na itong pumasok sa loob, dahil ayaw niyang nakikitang may kasamang ibang lalake si Wai, ganun na ba ito ka dispirada at iba't ibang lalake ang kasama, sa isip nito. Hindi nakita ni Wai si Luke kaya nagmamadali na siyang pumunta sa elevator pasara na ito kaya agad niyang pinindot at bumukas ulit ulit, nagulat siya ng makita doon si Luke na halos hindi maipinta ang mukha sa isip nito nakita kaya sila ni Dave? Sabagay wala siyang pakialam tahimik lang siya sa may gilid nakiramdam kung magsasalita ito. Hanggang sa nakarating na sila sa taas. "Sumunod ka sa opisina ko!'" Mariin na sabi ni Luke kay Wai.. sumunod nan si Wai sa kanya. Parang wala ata sa mode si Luke sa isip niya. Agad na sinara ni Luke ang pinto at hinarap siya nito. "Una ayaw na ayaw ko na kahit sinong lalake ang pumupunta sa building ko, pangalawa oras ng trabaho bakit nasa labas ka?" Tanong ni Luke kay Wai. "Una, hindi siya basta-basta na lalake, sila ang may-ari ng law firm na pinanggalingan ko at kilala mo siya. Pangalawa, galing akong nag-report sa opisian dahil nasa kontrata ko yan." Sagot naman ni Wai, kay Luke na sobrang lapit na sa kanya, kaya umiwas na lang si Wai. "Kahit, anong gawin mo, basta ayaw kkong nakikita kang may kasamang ibang lalake!" Mariin na sabi ni Luke kay Wai. "Bakit nagseselos ka?" Natanong ni Wai dito att hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig sa mga oras na iyon. "Oo, Wai, nagseselos ako!" Medyo malakas na boses ni Luke na pagsagot dito, at lalung papalapit ito kay Wai. "Puwes para sabihin ko sayo, wala kang karapatang magselos dahil, walang tayo, at tandaan mo trabaho lang ang uganayan nitin, Sir!" Mariin na sagot ni Wai, ayaw niyang panghinaan ng loob sa haraoa ni Luke, dahil siya may asawa at siya ay wala. "Wai, makinig ka sa akin, bago mo ako husgahan!" Anni Luke na mas lalu pang lumapit kay Wai, napasandal na halos si Wai sa may pader ng opisina nito. "Wala na, wana tayong dapat pag-usapan pa." Sagot ni Wai. Saka tinulak si Luke at lumabas na ito sa opisina ni Luke. Aya niyang marinig kung ano man ang sasaihin nito sa kanya. Dahil wala na siyang pakialam pa. Nasuntok ni Luke ang pader sa sobrang inis nito dahil ayaw man lang siyang pakinggan ni Wai, at mas lalung ayaw niyang nakikitang may kasama itong kung sino-sinong lalake. Dahil nauuhaw si Wai, kaya kumuha ito ng tubig sa labas, dahil nahihiya siyang utusan si Dex, kahit pa sinabi nito na tawagan lang siya nito kung may kailangan siya, at iyon din ang sinabi ni Luke sa kanya. Pero kaya naman iyang gawin kaya hindi na niya kailangan pang magutos ng iba. Habang naglalakad si Wai, dala ang ay may lamang baso ng may makasalubong itong nagmamadali kaya nabungo niya ito at natapunan ito ng tubig. "Sorry." Hingging paumanhin agad ni Wai dito. "Ano ba' tanga ka ba?" Sigaw nang babae kay Wai. "Huwag na huwag mo akong tawag-tawag na tanga kung ayaw mong ihampas ko saiyo itong hawak kung basa!" Mariin na sabi ni Wai, sa inis niyya sa kaartehan ng babaeng nasa harapan niya nag-sorry na siya ito pa galit. "Isa ka lang empleyado dito kung makasagot ka!" Sigaw ng babae kay Wai. "Wala kang pakialam kung empleyado lang ako dito!" Sagot naman ni Wai, wala siyang pakiala kung sino man ang babaeng nasa harapan niya. "Talaga lang ha? Hindi mo ba ako kilala?" Galit na sigaw ng babae kay Wai. "Wala akong balak na kilalanin ka!" Ani Wai, saka na nya ito tinalikuran dahil ayaw niyang makipag-usap pa sa babaeng ganito ka babaw. Hinawakan ng babae ang braso ni Wai, kaya sa inis ni Wai at baka maunahan pa siya ng babae na masaktan kaya sinamapl niya ito gamit ang isang kamay. "Aray!" Walang hiya ka!" Sabi ng babae at akma nitong samapalin rin si Wai, ay umilag na ito at nang mabahan ni Wai ng sampal ay biglang sumigaw si Luke. "Wai!" Sigaw ni Luke, sa kanya ng makita nitong sasampalin na sana nito ng babaeng nasa harapan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD