"Wai!" Tawag ni Luken ng makita nitong sasampalin nito ang babae sa kanyang harapan.
"Luke, ganito ba ang asal ng maga employee mo?" Nalanding tanong ng babae kay Luke. Ito 'yong babaeng nakilala lang niya kagabi sa bar, at nakausap niya kanina na at nagpaalam ito na puntahan niya si Luke.
"Wai, bakit mo siya sinaktan?" Tanong ni Luke.
"Hindi ko siya sasaktan kung hindi siya na una, at hindi ko hahayaang, mamaliitin ako ng kahit sinong tao, lalu pa't hindi ako kilala ang boung pagkatao ko!" Mariin na sagot ni Wai, at palipat-lipat ang tingi nito sa kanila ng babae,
"Bumalik ka na sa trabaho mo." Utos ni Luke kay Wai, saka niyaya ang babae sa loob ng opisina nito. Nilingon pa ng babae si Wai at inirapan pa siya nito, Tinapunan nman ni Wai ng masamang tingin ang babae saka ito pumasaok sa kanyang opisina. Inis na inis si Wai, kay Luke lalu na sa babaeng kasama nito na parang hindi mo alam kung tao o' demonyo. Wala ng pakialam pa si Wai, kung maraming babae si Luke, iba na ang Luke na nakilala niya noon at ang Luke na nakikita niya ngayon. Malayong-malayo na ito sa nakasama niya noon at ang Luke na nangakong hindi magbabago.
--
Dahil weekend kaya naisipian ni Jix, na yayain si Wai na lumabas kasama ang mga kaibigan, para namam malibang siya. Kaya tinawagan nita ito.
"Hey, napatawag ka?" tanong ni Wai, habang busy pa rin ito sa kanyang work dahil gusto niyang matapos ito bagi siya uuwi.
"Alam kong boring ka na kaya huwag ka ng tatangi susunduin kita mamaya, sa lugar kung saan kita sinundo noon." ani Jix kay Wai.
"Bakit saan tayo pupunta?" tanong ni Wai.
"Basat sumama ka na lang alam kung mag-eenjoy ka." sagot naman ni Jix.
"Hay ok sige, tatapusin mo muna work ko,para makauwi na ako." ani Wai, dahil kahit tatangi siya mangungulit pa rin ang kaibigan saka gusto dinn niyang malibang ang sarili. Sa dami niyang iniisip gusto muna niya itong nakalimutan man lang
"Ok, see you." ani Jix at nagpaalam na ito kay Wai, napapailing na lang si Wai, pasalamat siya at nakilala niya si Jix na laging nandyan para sa kanya kahit may asawa na ito. Nagmamadali namang tinapps ni Wai ang kanyang ginagawa. Nangmatapos niya ito ay inayos niya muna at saka tumayo para ibigay ito kay Luke. Kumatok muna siya ng apat ba beses bago niya binuksana ng pinto. Nagulat siya ng makita nitonf naghaharutan ang babar at si Luke. Nabigla naman si Luke ng nakita nito si Wai.
"Sorry naabala ko kayo, ibibigay ko lang itong document na pinagawa mo sa akin, Sir." ani Wai saka nilapag sa table nito ang document saka lumabas. Habol hininga naman si Wai, ng makalabas na ito sa opisina ni Luke. " Ganoon na ba talaga ang Luke na nakilala niya ngayon?" sa isip niya. Pilit niyang binaliwala ang nakita at tama lang na niyaya siya ni Jix, para malibang naman ang kanyang sarili at maging masaya ito kahit sandali. Inayos niya ang kanyang gamit bago ito lumabas ng kanyang opisina. Dahil ayaw na niyang magtagal pa siya doon baka mabaliw na siya sa kaiisip. Nagmamadali siyang bumaba dahil ayaw na niyang makita ang mga pinaggagawa ni Luke. Buti na lang at walang ulan kaya may mga taxi na dumadaan at nakasakay siya agad-agad.
--
"Sabi mo yan ha?" wika ng babae kay Luke.
"Yes sure." sagot naman ni Luke.
"Okay, see you later." wika ng babae kay Luke saka ito nagpaalam na sabay labas nito. Now lang napansin ni Luke na wala na si Wai. Alam niyang umuwi na ito at alam niyang may iniisip na naman ito sa nakita niya kanina.
--
Naglinis at nag-ayos muna ng condo si Wai, para malibang ang kanyang sarili bago siya mamaya aalis. Pilit niyang winawaksi sa kanyang isipan ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Ayaw niyang ikulong ang sarili sa masasakit na bagay sa kanyang paligid at nakikita. Umuwi siya ng bansa para maging maayos ang lahat at maging matatag pa. Wala siyang karamay sa lahat ng bagay kundi ang kanyang sarili lang. Kaya lalaban siya hanggat kaya niya at maging matatag lalu sa buhay.
--
"Manang, Dhel, pakisabi kay Manang Leen, na huwag gagalawin ang library at linisin dahil may mga bagay na hindi ko pa natatapos." ani Luke dito.
"Sige, Sir."sagot naman ni Aling Dhel dahil si Leen ang tagalinis nito sa library ng amo.
"Nga pala aalis ako huwag na kayong maghanda ng dinner ko." ani Luke saka umakyat na ito para magbihis.
--
Dahil natapos na lahat ni Wai, kaya naligo na ito para makapag ayos na sa sarili baka maaga ang sundo niya mamaya. Inayos ni Wai ang sarili binago niya ang kanyang pananamit. Dalaga kaya dapat iayon lamg din niya ang kanyan suot. Gandang-ganda ito sa kanyang sarili ng makita nito sa salamin. Hindi nga siya nagkakamali na maaga si Jix. Agad niyang sinagot ang lalake at nasa babae ba raw ito naghihintay. Agad namang sinabi ni Wai na bababa na siya.
--
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Wai nang nasa sasakyan na sila.ni Jix.
"Basta akong bahala sayo." ani Jix.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo ako ibubugaw." pagbibirong sabi ni Wai dito.
"Basta sa mayaman at guwapo at hindi ka sasaktan, why not diba?" sagot naman ni Jix, sabaya ngiti sa kaibigan.
"Luko ka siguraduhin mo lang." ani Wai.
Nakarating na sila sa kanilang pupuntahan, alam ni Wai isang sika na bar ito. Tama at gusto niyang maglasing sa mga oras na ito kaya tama dito xa dinala ni Jix. Pagpasok nila Wai sa loob ay andoon na ang kanilang mga ka-officemate na kasamahan nila ni Jix. Maingay sa loob may mga nagsasayawan at nagkakantahan sa loob. Nadala na rin si Wai mga taong nadoduon. Nakihalubilo agad sila Wai at Jix sa kanilang mga kasamahan sa loob, binigyan agad nila si Wai ng maiinum at hindi naman ito tinangihan ni Wai, dahil ang kanyang gusto sa mga oras na iyon para makalimutan man lang ang dinadalang problema.
Sa kabilang banda naman ay masayang nag-iinuman sina Luke at kasama nitong babae. Napalingon si Luke sa maingay na grupo na nagkakanchawan nagulat siyang nakit nito si Wai na nakikipagligsahan sa pag-inum ng alak at kitang kita nito na lasing na si Wai, may mga kasamahan itong mga lalake, at iyon at pinakaayaw ni Luke na may dumikit na lalake kay Wai. Agad ba tumayo si Luke at pinuntahan ang grupo nila Wai alam niyan naparami na ito ng mainum.
"Wai, tama na yan." bawi ni Luke sa basong may alak na hawak nito.
"Hey sino kaba? tanong ng isang lalake na kasama nila Wai.
"Huwag kang makikialam kung ayaw mong sumabog sa mukha mo!" galit na sabi ni Luke dito saka binuhat s Wai.