"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ni Wai, habang buhat-buhat siya ni Luke.
Napatingin naman ang babaeng kasama ni Luke, dahil sa nakita nito. Hinabol niya ito.
"Luke, don't tell me iiwan mo ako dito!" sigaw ng babae.
"Mag-usap tayo sa susunod na araw, babawi ako." sagot ni Luke sa babae at patuloy ang paglalakad nito papunta sa kanyang sasakyan.
"Ano ba!" bitawan mo ako!" sigaw pa rin ni Wai.
"Wai, tumigil ka!" ani Luke.
"Wala kang karapatang pagbawalan ako sa mga gusto kong gawi dahil simula sa araw na ito isinusumpa kung isang boss na lang ang tingin mo sayo!" galit na sigaw ni Wai kay Luke, sa sobrang maraming nainum ni Wai.
"Mag-uusapa tayo ng maayos kapag ok kana." malumanay na sabi ni Luke. Saka ibinaba si Wai sa sasakyan nito. Agad naman pinaandar ni Luke ang sasakyan ngayon lang niya napagtanto hindi niya alam kung saan ihahatid si Wai, dahil hindi nito alam kung saan ito nakatira. Kaya naisipan nitong dalhin na lang sa kanyang condo. Hinayaan lang niyang tulog ang dalaga, pinagmasdang mabuti ni Luke, ang maamong mukha ni Wai, simula noong nagkakilala sila dahil sa pinsang si Maria, at nabuksan nito ang kanyang saradong puso, sa edad niyang iyon ay tanging si Wai lang ang nakabihag kanya. Kaya hindi niya hahayaang mapunta ito sa iba. Agad silang nakarating sa kanyang condo binuhat niya si Wai paakyat dahil tulog pa ito. Habang nasa elevator na sila ay biglang sumuka si Wai at sakto sa kanyang damit.
"My God, Wai." nausal ni Luke, agad ni bunuksan ni Luke ang pintuan at dinaritso si Wai sa may bathtub para paliguan ito. Pagkatapos bihisan si Wai ay pinahiga na ito ni Luke sa kanyang kama, sala siya naman ang naligo. Ayaw samantalahin ni Luke ang pagkakataong ito, dahil malaki ang respito nito may Wai, binabad niya ang kanyang nag-iinit na katawan sa lulagaslas na tubig sa shower. Pagkatapos nitong naligo ay nilapitan nito si Wai at hinawakan nito ang pisngi ng babae na himbing na ang pagkatulog, hinalikan nito ang noo ni Wai, tatalikod na sana siya ng bigla siyang hinila ni Wai at nawalan siya bv balanse napadapa siya kay Wai at saktong magkalapat ang kanilang mga labi. Hindi alam ni Luke kung nananaginip ba ito or sinadya. Untin-unting ibinuka ni Luke ang kanyang labi at ramdam nito ang pag-awang din ng labi ni Wai na siyang hudyat na alam nito ang ginagawa napahawak si Wai sa leeg ni Luke at gumaganti na ito sa kanyang halik. Nagsimula ng uminit si Luke ng bigla na lang bumitiw si Wai at natulog na ito. Napangit lang si Luke. Ala niyang malayo ang agwat nila ni Wai, pero hindi ito hadlang para sa kanilang dalawa. Bago natulog si Luke ay may tinawagan muna ito. Kumuha siya ng extra pillow at blanket para sa sofa siya matutulog sa room din niya para mabantayan niya si Wai.
--
Tinawagan naman ni Jix, si Wai, ngunit walang sumasagot nag-aalala na ito sa kaibigan pero alam niyang ito ang boss ni Wai, siguro naman wala itong gagawing masama sa kaibigan.
---
Kinabuksan dahil sa sakit ng ulo at nuuhaw siya ay unti-unting dinilat ni Wai, ang kanyayng mga mata. Napagtanto niyang wala siya sa kanyang room. Kaya agad siyang bumangon. Nakita niyang may lalake na nakahiga sa may sofa, dahan-dahan siyang lumapit dito at nakitang si Luke ang lalake kaya pinaghahampas niya ito ng unan. Sa gulat ni Luke ay napabalikwas ito.
"Nasaan ako? Bakit suot ko ang damit mo?" Naguguluhang tanong ni Wai. At hindi pa rin ito himinto sa paghahampasng unan kay Luke.
"Ano ba, Wai?" Ani Luke sabay hawak sa dalawang balikat nito para huminto na. "Hindi mo ba matandaan ang pinaggagawa mo kagabi?" Tanong ni Luke dito. Napahinto naman si Wai, at inalala nito ang nangyari kagabi. Napatakip siya ng mukha ng maalala nito ang ginawa niya sa sobrang hiya hindi na siya makatingin kay Luke ng daritso.
"Eh, bakit mo ako dinala dito?" Tanong ni Wai.
"Dahil sa kalasingan mo hindi nakatulog kana sa sasakyan, paano kita ihahatid sa inyo kung hindi ko alam kung nasaan ang bahay mo?" Sagot naman ni Luke.
"Eh' sinong nagpalit nang damit ko?" Nahihiyang tanong ni Wai.
"Eh kung sabihan kung ako?" May gagawin ka?"nakangiting tanong ni Luke.
"Eh! Luke! Galit na sabi Wai. Dahil gusto na niyang matunaw sa hiya kung totoong ito nga ang nagbihis sa kanya.
"Alam mo bang puwede kitang kasuhan ssa ginawa mo?" Galit na wika ni Wai.
"Sige, kasuhan mo ako, anong ikakaso mo? Nasa bahay kita, single ka, single ako, kayang-kaya kitang panagutan ura mismos." Nakangiting sabi naman ni Luke. "single?" Sa isip ni Wai. Ano pagkaharap siya single ito samantalang may asawa't anak na ito at may babae pa. Kung kakasuhan nga naman niya ito alam niyang ang pinsan nito ang kukuning lawyer at walang iba kundi si Maria.
Magsasalita pa sana si Wai, ng may kuamatok at napatayo si Luke para tingnan ito.
"Good morning, Sir." Bati ni Leen at Dhel.
"Good morning." Sagot lang ni Luke at pinapasok na nito ang dalawang kasambahay. Tinawagan niya ito kagabi para magdala ng pagkain at damit ni Wai, pinabili niya ito kay Second kagabi pa at pinalabhan sa mga kasambahay nito bago dinala dito.
Dahil nauuhaw si Wai, kaya lumabas ito saktong nakita naman siya ng dalawang kasambahay ni Luke, ngayon lang niya napagtanto na damit ni Luke ang kanyang suot agad itong bumalik sa room ni Luke. Gusto na niyang matunaw sa kahihiyan s amga oras na iyon. Nakangiti naman si Luke sa kanyang nakita. Nagtinginan naman ang dalawang kasambahay na sina Dhel at Leen, parang alam na nila ang ibig sabihin nag-uusap lamang ang kanilang mga mata.
"Akin na ang damit, Leen, Manang Dhel, pakiayos ang mga pagkain." Utos ni Luke, saka ito pumasok sa room.
"Diba, para siya yong pumunta noon ssa bahay ni Sir Luke?" Tanong ni Aling Dhel kay Leen.
"Oo tama ka natatandaan ko na." Sagot naman ni Leen.
"Sabi ko sayo eh, bagay na bagay sila." Kinikilig na sabi ni Dhel kay Leen.
Inabot naman ni Luke kay Wai, ang isang maliit na bag.
"Ano yan?" Tanong ni Wai.
"Damit mo gusto mo isa-isahi kung ibigay sayo?" Ani Luke at binuksan nito ang paper bag na dala saktong nakuha ni Luke ay ang panty sabay nito itinaas agad namang hinablot ni Wai, ang panty kay Luke pati ang bag.
"Akin na, sabay takbo sa banyo para magbihis dahil. Nauuhaw na talaga siya gusto na niyang uminum ng tubig na malamig. Nakabihis na siya at lumabas na ito, akala niya ay wala na doon si Luke ngunit hinihintay pala siya nito. nabighani si Luke, sa angking kagandahan ni Wai, sa suot nito.
'Lets go, alam kung nagugutom ka na nakahanda na sila manang." Ani Luke, at nauna na itong lumabas. Sumunod naman siya dahil no choice na talaga siya, dahil nauuhaw na rin siya at same time gutom na rin siya. Pagdating naman ni sa table ay asikasong-asikaso silang dalawa ng mga kasambahay ni Luke, nakangiti lang si Wai, ssa mga ito kahit hiyang-hiya na siya.
"Siya nga pala samahan mo ako mamaya." Ani Luke habang kumakain sila.
"Mamaya?" Kunot noong tanong ni Wai.
"Yes, dahil may ime-meet akong very important client." sagot naman ni Luke sabay subo sa pagkain.
"Walang pasok ngayon." Ani Wai at alam na ni Luke ang ibig sabihin nito.
"I know, mag-overtime ka dahil kailangan kita ngayong araw na ito." Sagot naman ni Luke, dahil gusto talaga niyang makasama si Wai, sa kanyang lakad. Dahil ayaw na ni Wai, makipagsagutan kay Luke dahil nahihiya siya sa mga kasambahay nito, kaya pumayag na lang siya at dahil wala rin naman siyang lakad ngayon. Pagkatapos nilang kumain ay binilin ni Luke, sina Manang Dhel at Leen na ayusin lang sa kusina at pewede na silang umuwi sa bahay, at sumang-ayon lamang ang dalawa. Nagbihis naman si Luke para sa meeting nila mamaya. Nasa banyo naman si Wai at inaayos nito ang sariluu para sa lakad nila mamaya ni Luke. Habang hindi pa lumalabas ng room si Luke ay nasa sala naman si Wai at hinihintay niya ito.
"Ready?" Tanong ni Luke kay Wai na nakaupo sa may sofaa at nakatingin lang sa magagndang tanawin sa labas. Napangganga naman si Wai, dahil may lalung gumwapo si Luke sa kanyang suot ngayon.
"Y-yes." Nauutal na sagot ni Wai, saka na ito naglakad papunta sa may pinto. Dahil sabado kaya wala si Second at First, kay si Luke na mismo ang magdrive sa kanyang sasakyan. Tahiik lang silang dalawa sa beyahe nila hanggnag a narating nila ang lugar na kanilang pupuntahan. Nalula si Wai, dahil nasa thirty seventh floor ang kameeting ni Luke. Maanda ang lugar at talagang pang mayaman ang naruroon sa lugar na iyon.
"Hi, Mr. Della Vega." Bati ng isang matandan lalakke kay Luke ng makarating na sila sa opisina nito.
"Hello, Mr. Lam." Bati naman ni Luke sabay kamay sa matanda.
"May kasama kang nakapakagandang binibini." Sabay tingin kay Wai
"Oh' sorry siya nga pala, she is my girlfriend, Wai Chua, pagpapakilala ni Luke sabay hawak sa baywang ni Wai. nagulat naman si Wai sa narinig mula kaY Luke, tiningnan siya ni Luke at kinindtan. Kaya hindi na lang siya nag-react pa pilit ang ngiti na kanyang ibinigay sa matanda at sobrang talim naman ang tingin niya kay Luke na parang lalapa na ito ng buhay.
"Hi." Bati ni Wai sabaya nakipagkamay na rin ito sa matanda.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may girlfriend ka palang ubod ng ganda." Patuloy ng matanda. Nakangiti lang Luke sa sinabi ng matanda. At iginiya na sila nito sa isang table na naghihintay sa kanila para sa isang importanteng meeting. Nagsimula na magusapa nag dalawa nakikinig lang si Wai, at sumasagot lamang siya kung tinatanong lang siya ni Luke. Magaling taaga sa business si Luke, napapahanga lang si Wai, habnag nakikinig ito sa usapan ng dalawa. Hanggang sa nagkasundo na ito sa kanilang usapan. Halos Umabot din ng dalawang oras ang meetng na iyon bago naging okay ang lahat.
"Thank you, Mr. Dela Vega." Wika ng matanda at nakipagkamay na ito.
"Welcome, Mr. Lam, and also thank you." Sabi naman ni Luke.
"Suwerte ka sa girlfriend mo dahil laging nandyan nakaalalay sayo at taga payo mo." Nakangiting sabi nga matanda.
"Swerete. Rin naman siya sa akin." Nakangiting sagot ni Luke sabay akbay kay Wai at hinalikan ito sa noo na mas lalung kinagulat ni Wai, kung hindi lamg nila kaharap ang matandang ito kanina pa nakatikim si Luke sa kanya sumusobra na ito kanina pa. Nagpaalam naman siuna Luke at Wai, sa matanda., at lumabas na ang mga ito.
"Anong pinagsasabi mo?" Galit na tanong ni Wai kay Luke habang naghihintay na sila ng elevator pababa.
"Lahat ng sinabi ko seryoso ako." Sagot lang ni Luke.
"Anong seryoso? Hoy tandaan mo may asawa't anak ka at may kabet kapa. Wala akong balak na maging kabet mo pa!" Galit na sabi ni Wai kay Luke.
"Eh, paano kung sasabihin ko sayo n wal akong asawa't anak at mas lalaung wala akong kabet!" Mariin na sagot ni Luke at hinapit nito ang baywang ni Wai, papalapit sa kanya, sakto namang bukas ng lift kaya sumakay na sila.
Hindi na nakapagsalita si Wai, dahil may kasama sila sa loob ng elevator, at nasa likod niya soi Luke, maraming sumakay sa elevator at haloos mapupuno na ito at siksikan na hinawakan niya ang balikat ni Wai paharap sa kanya dahil siksikan n sa loob nakadikit na ang mukha ni wwai sa matitipunong dibdib ni Luke, dinig na dinig ni Wai, ang lakas ng kabog ng dibdib ni Luke niyakap naman siya ni Luke at langhap na langhap ni Wai, ang perfume na gamit nito mula pa noong magkakilala sila ni Luke ramdam ni Wai na hinahalikan ni Luke ang kanyang buhok maliit si Wai kumpara sa tangkad ni Luke dahil may sumakay pa kaya mas lalung naitulak si Wai na mas lalung dumikit ito sa katawan ni Luke, nanlaki ang mata ni Wai, ng may naramdamdaman siyang bukol sa may baba.