Chapter 44 NAPAKUSOT ako ng mata at bahagyang humikab habang tumitingin sa menu na nasa itaas ng counter. Huminto muna kami sa coffee shop. Maaga akong ginising ni Dom dahil mayroon daw kaming mahalagang pupuntahan. Tinanong ko siya kung ano ‘yon pero sinabi niyang surprise. “Wanna see a naughty prank?” tanong niya at binigyan ako ng mapaglarong ngiti. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ano na naman kaya ang binabalak nitong gawin? Humakbang na siya palapit sa cashier. Pumunta naman ako sa bakanteng table para maghintay. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya para sa prank kuno na gagawin. Napakunot ako ng noo dahil normal lang siyang lumapit sa akin pagkatapos masabi ang order. “Nasaan ang prank?” nagtatakang tanong ko. “Just wait,” nakangiti niyang sagot at tumingin ulit sa counter.

