Chapter 43 Akma sana akong tatayo pero marahas siyang tinulak ng babae at galit na naglakad palayo. Nakangising sinundan lang ito ng tingin ni Dom. "What happened, Bro? Ang ganda ng lumalapit sa 'yo, oh?" gulat na tanong ni Toshiro. “I have a girlfriend,” seryosong sagot ni Dom na mas lalo pang nagpabigla sa kanya pero ilang sandali lang ay unti-unti rin siyang napangisi. “It’s Con, right? Don't say you're really serious with her?” Tiningnan ko nang masama si Toshiro. Gigil na ang mga kamay ko na batuhin siya ng magazine pero sinubukan ko pa ring manatiling kalmado. "Why not?" sagot ni Dom. Nanatili lang akong nakikinig sa kanila habang tinatakpan pa rin ang mukha. Narinig ko ang sarkastikadong tawa ni Toshiro. “I really don't understand, ano’ng nakita mo sa kanya?” nagtataka n

