Chapter 20 NAGISING ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata. Unti-unti akong napadilat. Agad kong natanaw ang mga naggagandahang gusali sa labas mula sa glass wall. Bahagya akong gumalaw pero naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko lalo sa gitnang parte ng dalawang hita. Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Nandito pa rin ako sa kuwarto ni Dom. Hindi na pala ako nakalipat kagabi dahil sa sobrang pagod. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na ako. Nilasap ko muna ang masarap na pakiramdam habang nakababad ako sa kama bago bumuwelo ng bangon. Wala akong lakas para tumayo pero pinilit ko pa rin at hinanap ang mga damit ko sa sahig. Napakunot ako ng noo nang makita na wala man lang kalat sa ibaba. Binalot ko na lang ang sarili ng kumot. Dahan-dahan akong lumabas. Napapada

