Chapter 21 Napakagat-labi ako habang pinagmamasdan ang bawat detalye ng mga iginuhit ko. Nasasanay na ako sa maseselan na larawan pero may nararamdaman pa rin akong kaunting pagkailang. Nai-imagine ko ang mga ginagawa ni Dom sa akin sa bawat scene ng kuwento. Halos nagiging kahawig niya na rin ang character sa drawing ko. Parang anime version niya na ito. Nilipat ko ang tingin sa direksyon ng balcony. Madilim na ang buong kalangitan pero nagsisilbing liwanag ang mga bituwin sa langit at ilaw ng naglalakihang gusali. Napakaganda ng view. Komportableng nakaupo si Dom sa labas at nakasandal sa glass wall. Kitang-kita mula sa puwesto ko ang maganda niyang katawan habang nakatalikod dahil wala siyang suot na pang-itaas. Natatanaw ko rin ang ilang bakas ng kalmot ko sa parte ng balikat niya a

