Chapter 50 Madilim na ang buong kalangitan pero ang gaganda ng mga ilaw sa plaigid. Naglilibot kami ngayon kung saan-saan. Napapikit ako habang dinadama ang hangin na tumatama sa amin. Nanatili akong nakakapit kay Dom, inaamoy pabango niya. Mahinahon lang siya magpatakbo kapag may ilang sasakyan sa daan, pero kapag maluwag na ang kalsada, saka na siya humaharurot. “Where do you want to go?” rinig kong tanong niya. Umalis ako sa pagkakasubsob sa likod niya at lumingon-lingon sa mga nadaraanan namin. Napansin ko ang food park sa harapan na ngayon ay madaraanan na namin. “Street foods tayo?” tanong ko. “Hmm? Puwede naman, let’s go,” sagot niya. Huminto siya sa parking area para ipuwesto ang motor. Nang matapos itong maiayos, pumasok na kami sa loob at nagtingin-tingin ng mga pagka

