Chapter 49 Nakaupo ako ngayon sa isang bench. Nakatulala sa kawalan, iniisip ang sinabi ni Kally. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na ginawa niya lang 'yon para manira ng mood, pero hindi imposible na totoo ang sinabi niya. Artist si Carol. Pero si Dom— “F*ck? Syempre naman, hindi ’yan malabo, Con. Ito pa lang CMall, sa kanya na,” sabi ko habang nililibot ang tingin sa buong Mall. Pabagsak akong sumandal sa upuan at malalim na napabuntong-hininga. Naiintindihan ko na. Inisip ko na kaming dalawa ang nasa kuwento niya, pero ibang tao pala ’yon. “D*mn! Ano’ng aasahan mo ro’n, Con? Mas nauna siya sa ’yo!” inis kong sabi sa sarili. Hindi ako dapat magalit dahil matagal nang tapos ’yon. Sinabi rin ni Dom na wala na siyang nararamdaman kay Carol. Ito dapat ang panghawakan ko pero— Ang pr

