Chapter 48 TULAD ng kuwinento ni Toshiro, sinabi ni Dom na si Carol ang una at pinakaminahal niya sa lahat ng kanyang naging ex. Pero, matagal na raw itong nawala lalo na noong dumating ako. Gusto kong maniwala pero hindi ko pa rin maiwasang na mag-alangan at magselos kahit matagal na naman silang tapos. Hindi ko namamalayang nakakagat ko na pala ang stylus pen dahil sa pag-iisip. Umayos ako ng upo at binalik ang atensyon sa ginagawa. Tiningnan ko muna ang previous chapters bago magpatuloy sa pagguhit. “Last 3 chapters na lang pala ’to.” Nag-inat ako ng mga braso habang nakatitig sa screen. Hindi ko aakalain na matatapos ko na ’to. Parang noon lang, nagdadalawang-isip pa akong tanggapin ang offer dahil hindi ko kayang mag-drawing ng ganitong klaseng imahe. Pero ngayon, madali na lang

