Chapter 52 Nakatayo ako ngayon sa tapat ng gate, nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. Nasa tamang katinuan pa ako kaya hindi ako gagawa ng eskandalo. Ayokong gumawa ng aksyon na pagsisisihan ko sa huli. “Mag-isip ka nang maayos, Con,” bulong ko. Mariin kong kinuyom ang kamao ko habang tinitingnan ang buong bahay. Nanlalambot ang aking mga tuhod pero pinipilit ko pa ring lakasan ang loob. Huminga ako ng malalim. Gusto ko mang ikalma ang sarili pero hindi ko magawa, wala rin akong dahilan para gawin ‘yon. Hindi lang galit ang nararamdaman ko ngayon, napupuno rin ang isip ko ng mga tanong. Pinanghawakan ko ang sinabi ni Dom na wala na siyang nararamdaman para kay Carol. Pero bakit siya nandito? Tinatago niya pa ‘to sa akin. “Ano po’ng kailangan n’yo, Ma’am?” Napalingon ako sa nags

