Chapter 3

1103 Words
Chapter 3 Gulat ko siyang tiningnan. “You mean.” Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko nang dahan-dahan siyang tumango ng nakangiti bilang pagsang-ayon sa tinutukoy ko. Hindi ko agad naiwasang mapatingin sa gitnang parte ng katawan niya. Mabilis kong inilipat ang tingin sa ibang direksyon at bahagyang naubo. “Ayoko,” tipid kong sagot nang hindi siya nililingon. “Huh? Bakit?” “Hindi ko kayang mag-drawing ng ganyan! Wala na bang ibang paraan?” tanong ko at binalik ulit ang tingin sa kanya. Bigla akong kinilabutan nang bahagya siyang ngumisi habang nakatitig sa ‘kin. “Meron naman.” Mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko nang lumapit ulit siya. Dinikit niya ang dalawang palad sa pader nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Napapagitnaan na ako ng kanyang mga braso. Nanatili siyang nakatitig habang nakangisi. Nilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko. “Either you draw me or you let me draw on your body,” mapang-akit na bulong niya. Mabilis ko siyang tinulak palayo. “Hindi!” pagtanggi ko. Hindi ko hahayaang mawala ang dignidad at puri ko kapalit ng pera na binayad niya. “So paano mo ‘ko babayaran?” nakataas-kilay na tanong niya. Ilang segundo akong natahimik para mag-isip. Umalis ako sa trabaho at minsan lang ako magkaroon ng kliyente bilang isang artist kaya matatagalan ako sa pag-iipon ng pambayad sa kanya. Ang tanging paraan ko na lang talaga ay gawin ang napag-usapan. “Payag na akong i-drawing ka,” sagot ko. Bahagya siyang napangiti. “Deal.” DALAWANG ARAW ang nakalipas simula nang aksidente kong makilala ang misteryosong bastos na nagngangalang Dom. Hiningi niya sa ‘kin ang contact number ko para i-update sa schedule ng pagguhit ko sa kanya. Sinabi ko na mag-send na lang siya ng pictures na ido-drawing ko pero tumanggi siya, mas gusto niya raw kapag personal. Pinagbantaan ko siya na papatayin kapag may ginawa siyang hindi maganda sa ‘kin pero sinabi niyang huwag na akong mag-alala dahil hindi siya gano’ng klase na tao. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, ang bilis nito at parang imposible. Kung iisipin, parang kabaliwan sa reyalidad ang biglaang pagdating ng isang tao na magbabayad ng malaking halaga para sa taong ilang minuto niya lang nakikila. Isang malaking kalokohan ‘yon kung tutuusin, pero nangyari mismo sa ‘kin. Wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya. Nang tanungin ko naman ang mga taong nakatira malapit sa eskinita kung saan kami nagkita ay puro pagkibit-balikat lang at iling ang kanilang sinagot. Hindi nila kilala si Dom. Malalim akong bumuntonghininga habang nakatingin sa kisame. Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung nag-message na siya pero tanging mensahe lang mula sa ibang pinagkakautangan ko ang nakarating. “Sana kalimutan niya na lang,” sabi ko sa sarili at nilagay ito sa dibdib ko. Hindi rin ako handa sa mga gano’ng klaseng imahe. Ini-imagine ko pa lang kung anong hitsura niya kapag nakahu–“Erase, Con! No, no, no! Hindi mo naisip ‘yon.” Sinampal-sampal ko ang mukha ko para matanggal ito sa ‘king isip. Inaamin ko na guwapo siya at may magandang katawan pero hindi ko siya pagpapantasyahan. Dahan-dahan akong pumikit pero agad ding napadilat nang marinig ang pagkatok sa pinto ng apartment na tinutuluyan ko. Nakiramdam muna ako bago bumangon. Baka isa sa mga maniningil ko ang nasa labas, wala pa akong maibabayad. Hindi pa rin tumigil ang pagkatok. Tinakpan ko ng unang ang magkabila kong tainga. Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo. Bahala na. Naglakad na ako papunta sa pintuan na ilang hakbang lang mula sa kwarto. Si Mr. Zamora lang naman ang halimaw sa lahat ng inutangan ko, mababait na ang iba kaya papakiusapan ko na lang kung sinuman ang kumakatok. Bumuwelo muna ako nang sasabihin bago buksan ang pinto. “Good morning!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangiting mukha ni Dom. Nakasuot siya ng plain white shirt ka-partner ng ripped demin shorts. Bakit siya nandito? At paano nalaman ng lokong ‘to kung nasaan ako? “Bakit ka nandito?” gulat kong tanong. “Babayaran mo ‘ko, ‘di ba? Hindi mo ba ako papasukin?” tanong niya at nilibot ang tingin sa loob ng apartment. “P-pero paano mo nalaman ang bahay ko?” nauutal kong tanong. Ngumiti siya. “Nagtanong-tanong ako ng some information about you,” sagot niya. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang papasukin o dapat na akong tumawag ng police dahil base sa ginagawa niya, nagiging stalker na ang dating nito sa ‘kin. Mas natatakot pa ako ngayon sa kanya kaysa sa grupo ni Mr. Zamora. “Stalker ka ba?” kunot-noong tanong ko. Bahagya siyang natawa at itinuro ang kanyang mukha. “Stalker? This face? No way,” sagot niya sabay iling. “Well ang purpose ko lang dito ay singilin ka, that’s all,” dugtong niya. Matagal ko siyang tiningnan para kilatisin kung nagsasabi ba siya ng totoo. Mukhang seryoso naman siya sa sinabi niya. Malalim akong bumuntonghininga. “Pasok ka.” Niluwagan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya. Pumasok na siya sa loob at sinarado ko ang pinto. Una niyang tiningnan ang mga drawing ko na nakadikit sa pader. “You’re really good at drawing, huh?” mangha niyang wika nang hindi inaalis ang tingin sa mga larawan. Lumingon siya sa ‘kin. “Can you also draw anime, manga or webtoon style?” tanong niya. “Yes, that’s what I like to draw the most,” nakangiti kong sagot. “Interesting. Noong bata ako, gusto kong magkaroon ng sarili kong manga pero wala akong talent sa drawing,” natatawa niyang kuwento. Lumingon siya sa direksyon ng kuwarto ko. “By the way, are we going to make good art there?” sabay turo ng kanyang nguso roon. Sinagot ko siya ng matalim na tingin. “Kidding,” nahihiyang saad niya habang nakahawak sa batok. Binigyan ko muna siya ng upuan para makaupo pagkatapos ay pumunta ako sa kuwarto para kunin ang mga gagamitin ko sa pagguhit sa kanya. Hindi pala kami nakapag-usap tungkol sa klase ng drawing na gagawin ko. Tatanungin ko lang mamaya. “Magkano ang commission mo kapag full body?” rinig kong tanong ni Dom mula sa labas. “Three thousand pesos ang minimum,” sagot ko at binitbit ang mga gamit. Naglakad na ako pabalik sa kinaroroonan niya. Nabitawan ko ang mga dala kong gamit dahil sa sobrang gulat nang makita ang kanyang katawan na walang kahit anong suot. “Paano kapag walang accessories? May discount ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD