Chapter 4
“Ah! Bastos!” gulat na sigaw ko at mabilis na nagtakip ng mga mata.
“Hey! Just calm down!” natatarantang sabi niya.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Binuka ko ng kaunti ang pagitan ng dalawang daliri kong nakatakip para masilip kung nakapagbihis na siya.
“F*ck!”
Halos lumuwa ang mga mata ko nang matanaw nang malapitan ang kanyang malaking pag-aari. Napalunok ako ng laway habang nanlalaking matang nakatingin doon. Parang mabubulunan yata ako kahit wala namang laman na pagkain ang bibig ko.
“Huh? You want f*ck?” nagtatakang tanong niya.
“No!” mabilis kong tanggi at mabilis na nakayakap sa katawan ko.
Agad akong umatras at tumalikod sa kanya. “Hoy, bastos! Magbihis ka na!” sabi ko nang hindi siya nililingon.
“Huh? But we haven't started, yet?”
“B-bakit ka ba kasi nakahubad?” nauutal na tanong ko.
“We already talked about drawing me without anything, didn’t we?”
Biglang kong naalala ang naging usapan namin noong nakaraan.
“Oo nga pala,” mahinang sabi ko.
Huminga ako ng malalim at nag-aalangang humarap sa kanya.
“Okay na ba?”
Napatitig ako sa mukha niya. Makapal ang kanyang kilay, mapupungay ang mga mata niya at mapula ang labi niyang may kanipisan. Binaba ko ang tingin sa kanyang katawan. Malapad ang magkabilang balikat niya, maumbok ang kanyang dibdib at nagtitigasan ang mga abs. Bukod sa guwapong mukha, hindi ko maipagkakaila na ang ganda ng hubog ng mestiso niyang katawan. Nanlaki na naman ang mga mata ko nang mapatingin ulit sa pag-aari niya. Kahit anong iwas kong tingnan ay di talaga mapigilang dumirekta ng mga mata ko rito.
Napaangat ako ng tingin sa kanya nang tinakpan niya ito ng kamay niya.
“It’s a bit shy, naninigas kapag may magandang babaeng nakatitig,” naiilang niyang sabi.
Agad naman akong napaiwas ng tingin at ibinaling ang atensyon sa mga gamit na nahulog.
“Pumuwesto ka na para makapagsimula na tayo,” sabi ko habang pinupulot ang mga ito.
“Sure, tulungan ba kita?” rinig kong tanong niya.
“No, kaya ko na ‘to.”
Bumalik na siya sa upuan at umupo para hintayin ako.
Huminga ulit ako ng malalim nang pulutin ang huling lapis sa sahig. This is the first time I’ve seen the body of a man without anything wearing. Ito rin ang unang beses na guguhit ako ng ganitong klaseng larawan.
“Kaya ko ‘to,” mahinang sabi ko sa sarili at pumunta na sa puwesto niya.
Nang makalapit ako ay napansin ko siyang gumagawa ng kung ano-anong pose. Hindi rin siya mapakali kung uupo ba o tatayo na lang siya.
“Okay ka na ba?” tanong ko.
Kumuha ako ng isang upuan at itinapat ito sa harapan niya para doon ako pumuwesto. Inayos ko na rin ang mga gagamitin ko sa pagguhit.
Umayos siya ng upo. Ipinatong niya ang kanang siko sa hawakan ng upuan at pumalumbaba habang nakatitig sa ‘kin. Napalingon ako sa ibang direksyon nang ibuka niya ang dalawang hita sa harapan ko.
“Yup,” sagot niya.
Pinindot ko ang number 2 ng electric fan na nasa tapat ko at bahagyang pinaypayan ang sarili. Parang bigla yatang nag-init ang buong paligid.
Hinawakan ko na ang lapis at tinapat sa papel na hawak ko para magsimula nang gumuhit.
“Sh*t!” mahina kong mura at napatingin sa kamay ko, nanginginig ito.
Hindi ako makapag-drawing nang maayos, kinakabahan din ako at naiilang.
Inis akong lumingon sa kanya.
“Bakit ba hindi ka na lang nag-send ng picture na ido-drawing ko?”
“Why would I do that? It’s private stuff,” kunot-noong sagot niya.
Sabagay, may punto siya.
Hindi na ako nagsalita at itinuon ang atensyon sa sketchpad na hawak ko. Hindi na dapat ako magsayang pa ng oras.
“Magsisimula na ako, ‘wag kang masyadong malikot,” saad ko at nag-umpisa na sa pagguhit.
Tahimik lang kami habang ginuguhit siya. Napapansin ko na parang medyo nagngangawit na siya pero tinitiis niya at nanatili lang sa puwesto.
“Dom, right?” tanong ko.
“Puwede ba akong magsalita?” Tumango ako bilang tugon.
“Yup, bakit?” saad niya.
“Ano’ng ginagawa mo sa lugar kung saan tayo nagkita?” nagtatakang tanong ko habang dino-drawing ang katawan niya.
“Looking for inspiration.”
Natigil ako sa pagguhit at sinilip siya ng tingin. Biglang nag-init ang pisngi ko nang makitang nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
“Then I found you,” dagdag niya.
Agad kong binalik ang tingin sa iginuguhit. Nandito na pala ako sa gitnang parte ng kanyang katawan.
“Be professional, Con. Kaya mo ‘yan,” mahinang sabi ko.
Tumingin ako sa gitna ng kanyang dalawang hita para iguhit ang bawat detalye. Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko pero hinayaan ko na lang at pilit na kinalma ang sarili.
“Are you still a virgin?”
“Sh*t!” mura ko nang mapasobra ang haba ng pagguhit ko.
Inis akong tumingin sa kanya. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin na para bang kinikilatis ako.
“Ngayon ka pa lang ba nakakita ng—”
“Tumahimik ka na, nadi-distract mo ako!” iritableng sabi ko.
“O–kay, Virgin Artist,” nakangising sambit niya at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Interesting, huh? Good kisser but still a virgin.”
Napairap na lang ako sa hangin at inayos na ang pagguhit.
Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa natapos na ako. Ilang oras din ang itinagal nito.
Tumayo na ako at nag-inat ng braso. Binigyan ko muna siya ng towel para takpan ang sarili habang nagpapahinga ako ng kaunti.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Malapit na pala mag-alas sais ng gabi.
Binalik ko ang tingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang mangha at tuwa habang tinitingnan ang iginuhit ko.
“Wow, it’s even better than I expected,” nakangiting sabi niya.
“Baka may gagawin ka pa? Sa next schedule mo na lang ang iba ko pang utang sa ‘yo,” sabi ko.
“So gusto mo pa akong bumalik?” nakangiting tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.
“No! Sige, ituloy na natin,” agad kong sabi at mabilis na kinuha ang sketchpad ko.
“Ano’ng position naman ang gagawin mo?” tanong ko.
Lumingon siya sa direksyon ng kuwarto ko at nakangiting tumingin sa akin.
“Hindi.” Magsasalita pa lang sana siya pero inunahan ko na.
“But gusto kong humiga ng patagilid. Hassle naman kung sa sahig ko gagawin ‘yon,” reklamo niya.
“Edi ‘wag mong gawin ‘yon,” sagot ko.
“Remember, I’m your client,” sabi niya sabay taas-baba ng dalawang kilay.
Tiningnan ko siya ng may halong inis. Gusto ko nang matapos ito pero ilang drawing pa ang gagawin ko pa mabayaran siya.
Napangiti ako ng malapad nang makaisip ng magandang ideya.
“Sige, papayag ako na iguhit ka sa kuwarto, but in one condition,” saad ko.
“Ano ‘yon?” nagtatakang tanong niya.
“Pagkatapos nito, bayad na ako sa ‘yo,” sagot ko.
“Okay,” tipid niyang sagot sabay ngiti.
Medyo nagulat naman ako sa mabilis niyang pagdedesisyon. Inaasahan ko na matagal siyang mag-iisip pero hindi pala.
“Tara na?” Tulala akong tumango sa kanya.
Binuksan niya na ang pintuan at agad na pumasok. Dumiretso na siya sa kama ko at umayos ng higa.
Dinala ko sa loob ang upuan ko at sinimulan na siyang iguhit ulit. Ngayon ay hindi na ako nahirapan, medyo naging comfortable na rin ako sa pag-drawing sa kanya, hindi tulad kanina na naiilang talaga ako sa nakikita.
Makalipas ang halos isa’t kalahating oras ay natapos na ako.
“Tapos na,” nakangiti kong sabi.
Umupo ako sa tabi niya para ipakita ang naging kinalabasan. Gaya ng unang drawing ko ay tuwa at pagkamangha ulit ang kanyang naging reaksyon.
Pagkatapos niya itong tingnan ay ibinalik niya ang tingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba nang mapansin na ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Agad akong tumayo at tinalikuran siya.
Parang biglang nag-init na naman ang buong paligid.
“Tapos na, bayad na ako sa ‘yo. Puwede ka nang magbihis,” sabi ko nang hindi siya nililingon.
“Mayroon ka pang dapat bayaran sa ‘kin.”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang hilahin niya ang kamay ko paupo sa kama.
“T-teka, a-ano ‘yon?” nauutal na tanong ko dahil sa sobrang kaba.
“Alam mo ba na mahal ang halik ko tapos nanakawin mo lang?” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin ang mapungay niyang mga mata.
Nagulat ako nang tinulak niya ako pahiga sa kama at pumaibabaw siya sa akin. Hindi ko maintindihan pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya at hinihintay ang susunod niyang gagawin.
“You have to pay for that.”
Marahan niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at dinikit sa kama. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at pumikit. Napapikit na rin ako at sumabay sa nangyayari.
“Con, sabi ni Yohan baka hindi ka na naman daw kumain ng hapu–nan?” Agad akong napadilat at napalingon sa direksyon ng pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan kong si Augusta na nakanganga sa sobrang gulat habang nakatingin sa amin.
“Ow, sorry! Hindi ko alam na kumakain ka na pala,” sabi niya at agad na umalis.