Chapter 54 Malalim akong napabuntong-hininga habang nakatitig sa business card na ibinigay ni Mikko. Inaamin ko na malaking oportunidad ito at ngayon lang nangyari ang ganito sa akin kaya hindi na dapat pang palagpasin. “Pero, paano si Dom?” Napalingon ako sa direksyon ng kusina nang makarinig ng malakas na pagbagsak ng isang bagay. Agad akong tumakbo papunta roon para tingnan siya. “Ano’ng nangyari?” nag-aalalang tanong ko. Natigil ako nang makita si Dom na namumula sa galit. Mariin ding nakakuyom ang kanyang kamao habang hinihingal. Ibinaba ko ang tingin sa sahig. Naroon ang phone niya at basag na ang screen nito. Binalik ko ang tingin sa kanya. Huminga siya ng malalim at unti-unting kumalma. Tumingala siya at napahilamos ng mukha. Nagdadalawang-isip ako kung lalapit ba ako ag

