Chapter 41

2199 Words

Chapter 41 "T-toshiro!” Sinusubukan ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Masyado siyang malakas at agresibo. Hindi ko siya kaya. “Mayaman din naman ako at hindi ako seloso.” Hinalikan niya ulit ako. “T-tumigil ka!” Agad kong sinipa ang gitna ng kanyang dalawang hita para makawala. Sinampal ko siya ng malakas. Napahawak naman siya sa kanyang panga. Nakangisi siyang tumingin sa akin. Inis akong dumura sa sahig at pinunasan ang labi ko. "Con." Agad kaming napalingon sa direksyon ng nagsalita. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba nang makita si Dom. Mas tumindi ang kaba ko nang seryoso siyang lumapit sa akin. Halos huminto ang t***k ng puso ko nang bigla niya akong inakbayan. "Ano'ng pinag-uusapan n’yo?" tanong niya sa 'min. Ngumiti si Toshiro sa kanya at umilin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD