Chapter 46 Hinihingal at pawisan na sila Marzena, Kione at Llyr pero hindi iyon naging hadlang sa kanila para tumigil sila sa paglalakad. Hindi na alam ni Marzena kung ilang oras na silang naglalakad na tatlo, humihinto lamang sila para habulin ang hininga nila o hindi kaya ay kumain at uminom ng tubig ngunit kapag hindi naman importante ay hindi sila tumitigil. Hindi sila pwedeng mag sayang ng oras ngayon kaya nila iyon ginagawa. Napatigil si Marzena sa paglalakad ng lumipad sa harapan niya si Milo. Umikot-ikot ito sa harapan niya habang huni ito nang huni. But this time Milo's chirp was calm and undisturbed. It looks like Milo was saying something to her, animo gusto nitong sumunod siya dito. "Kione..." Tawag ni Marzena sa lalaki. Nang tumingin ito sa kanya ay pinagpatuloy niya ang na

