Chapter 47 Napatigil at napatingin si Marzena sa langit ng may magsalita at lumabas doon na larawan ng ibang kalahok sa paligsahan. Pinanood niya iyon hanggang sa matapos ito. Pinakinggan din niyang mabuti ang Council na nagsasalita, gaya nung nakaraan ay natutuwa pa rin ang mga ito sa mga pinapakita ng kalahok. Hinihintay ni Marzena na may marinig siya na salitang patawad o humingi ito ng paumanhin sa mga nangyayari at sa naging desisyon ng mga ito sa Duellum ngunit wala siyang narinig na ganoon. Pinakita mula sa hologram ang mga namatay na kalahok sa nagaganap na Duellum kaya naman nakita niya ang litrato ng kaibigan na si Allerick o Ericka na kasama sa mga namatay sa paligsahan. Kung nung una ay mahigit trenta silang sumabak ngayon ay nasa sampung tao na lamang ang natitira- si Annal

