Chapter 16
His lips were so near to hers. Very near... there's a butterfly inside her stomach. Napatikhim si Marzena at umayos siya nang tayo saka umiwas ng tingin dito.
"Let's go." Aya ni Kione.
Iginaya ni Kione si Marzena sa likod ng sasakyan na nakalaan para sa kanila. Open kasi yung likod nang sasakyan at may parang stage doon para maayos sila makita mamaya sa parade. May dalawang upuan din sa taas at may malaking silong sapat para maprotektahan sila sa araw. Kasama nila ang ilang Dark Guards para bantayan sila.
Nakaayos na ang lahat sila na lang ang iniintay. Lagi na lang silang pa special, kaya yung ibang babae ay iniirapan na siya at bumubulong nang kung ano-ano tungkol sa kanya. Minsan iniisip niya tuloy na may galit sa kaniya ang mga ito. Ramdam ni Marzena na ayaw sa kanya ng iba and she wouldn't do anything about that.
If they hate me, then hate me. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lamang magustuhan nila ako. I'm not here to pleasure them, I am here to win this f*****g Duellum and go back to my family, alive and kicking.
"Thank you, Sir Kione." Pagpapasalamat ni Llyr sa binata. Tinulungan kasi ito ni Kione na maka-akyat sa likod ng sasakyan.
Hindi sumagot ang binata sa halip ay siya naman ang tinulungan nito na maka-akyat. Dapat nga ay tutulungan na siya ng ilang Dark Guards na nakabantay pero agad na sinamaan ng tingin ni Kione ang mga ito kaya naman hindi na itinuloy ng ilang Dark Guards na tulungan pa siya.
Problema nito? Tanong ni Marzena sa isip niya.
Hindi mapigilan ni Marzena na hindi humanga dahil kahit Dark Guards takot sa lalaki.
Sino ka ba talaga Kione? Bakit ganito na lang kung sundin at igalang ka nang lahat.
Gusto man niya tanungin ang lalaki ay pinigilan niya ang sarili. May tamang oras at tamang lugar para roon. Isa pa ay wala siya sa lugar para magtanong ng personal na bagay dito.
"Salamat." Aniya nang maka-akyat na siya dahil sa tulong nito.
He nodded as answer to her. Just one nod at hindi na ito nagsalita pa. Medyo nabigo pa siya dahil iniintay niya na marinig ulit ang boses nito. Hindi talaga niya maintindihan minsan ang lalaki na ito. Pabago-bago ito ng ugaling pinapakita sa kanya hindi tuloy niya alam kung alin ang totoong Kione doon o lahat ba iyon ay ugali nito.
Hinintay muna niya na makaakyat na si Kione at saka sila umupo sa silya na para sa kanila. Habang si Llyr naman ay ikinandong na lang niya dahil wala nang upuan.
She calls the kid who's busy looking at the surroundings around. The kid looked amused. "Llyr come here."
Nang makalapit ito sa kaniya ay tinapik niya ang hita niya. Sumenyas siya na umupo ito sa hita niya na agad naman nito nakuha ang ibig niyang sabihin dahil agad itong umakyat sa hita niya. Medyo nahirapan pa ito dahil sa liit nito kaya tinulungan na niya ang bata.
Llyr giggles. "Thank you, Ate Marzena." So cute. Marzena pinched her cute little cheeks.
"You're welcome." Aniya habang nakangiti dito.
Nang lumingon siya gawi ng lalaki ay nakatingin din pala ito sa kanila. Pinapanood silang dalawa ni Llyr.
"What is it?" She asked.
"Nothing..." He replied.
Umiwas si Marzena ng tingin sa lalaki hindi niya kasi kayang pantayan ang mga binibigay nitong tingin sa kanya.
Naramdaman niya ang unti-unting pag-usad ng sinasakyan nila. This is it pansit. Sila ang pinakahuli sa parade.
Nang makalabas ang sinasakyan nila sa palasyo ng Mordecai ay tumayo na silang tatlo. Kione and her with Llyr, stand in silence as the parade starts. They wave their hands but not Kione. Ipinuwesto niya si Llyr sa may harapan niya may tinutuntungan ito kaya kita naman ito ng mga tao at nasa gilid niya si Kione naka suporta sa kanila or mas tamang sabihin na sa kanya.
"Sir Kione!" Hiyaw nang karamihan. May mga iniitsa ang mga tao na bulaklak papunta sa gawi namin.
"Ang pogi mo Sir Kione."
"Sir Kione, please look at us!"
Halos lahat ay gusto kunin ang atensyon ni Kione pero walang nagtagumpay dahil para itong bato, hindi matinag tinag sa gilid niya.
Nakakapagod tumayo lalo na siya na nakasuot ng mataas na heels.
"Llyr pagod ka na ba? Upo ka na muna doon." Aniya sa bata. Napansin kasi niya na malikot na ito sa harapan niya. Halata na hindi na kumportable sa pagkakatayo nang matagal.
"Sige po Ate." Sagot ng bata sa kanya. Tinulungan niya ito na makababa ng maayos. Baka kasi mabuwal ito dahil umaandar ang sinasakyan nila pero hindi si Llyr ang muntik na mabuwal kung hindi siya.
Again thanks to Kione for catching her, again and again. Napapansin ni Marzena na lagi na lang siya sinasalo ng binata na ikinatuwa naman niya. Shuta ang landi niya!
"Thank you." She says sweetly.
Nang mai-upo na niya si Llyr ay bumalik siya sa tabi ni Kione na laging naka poker face lang.
"Aren't you tired?" Kione asked.
"A little, but I'm fine. Kaya ko pa naman." She responded.
Marzena looked around, Mordecai looked amazing. The magnificence of the glistening buildings, and shiny cars that roll down the wide paved street.
The color seems artificial because of the wide screens on every corner of the street.
The people begin to point at them eagerly as they recognize the man next to her. Marzena tries to step away from Kione but he's quick to hold her waist to stop her small body from fleeing.
"Stay." He whispered into her ears.
Marzena didn't answer him. Hindi na rin siya kumakaway pa. She knows magagalit sa kanya si Mazu pero pagod at nangangawit na siya. Ilang oras na din siya nakatayo. Ang lawak ng Mordecai kaya matagal tagal na din sila nakatayo sa sasakyan.
Marzena can hear the roar of the crowds. Dahil nahuhuli sila ay mas rinig nila ang pagsigaw ng mga tao sa pangalan ng mga nauuna.
"Ravaryn! Ravaryn!"
"Aldrich Henly!"
"Aldrich, please, look at us."
"Oh, my gosh! Tybalt smiled at me!"
"You're so beautiful, Adelaide!"
"Gavril!"
"Annaleigh you're so beautiful!"
The crowd's initial alarm at their appearance quickly changes to a cheer of "Kione Cunningham/ Sir Kione"
"The lady beside Sir Kione is so hot! Who is she? This was the first time I saw her face. What ward does she come from?" She heard someone ask.
Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Nagbikit balikat na lamang siya at bumalik na lamang sa pagngiti sa mga tao na nilalampasan nila.
"I heard from another ward, she's from Ellesmere."
"Ellesmere?" The lady asked, confused.
"Yeah, Ward 15."
"Ohh.. so she's a weakling." Anito at saka nagtawanan.
Damn it.
So, siya nga talaga ang pinag-uusapan ng mga babae. Wala naman ng ibang kalahok na babae na galing Ellesmere kung hindi siya lang.
Porket nasa ibabang ward na siya, mahina na agad. Kailangan niya talaga ipakita at patunayan sa lahat na hindi siya tulad ng inaasahan ng lahat- na isang mahinang babae.
Her face went serious as dead. Sawa na siya na maging mabait sa tao kung ganito lang din pala ang ipapakita at sasabihin ng mga ito sa kanya.
"I'm done my best with what I had to work with. I'm done listening to their f*****g biting words." She said, flatly. Hindi niya alintana na naririnig na pala siya ng katabi niya.