Chapter 15

1372 Words
Chapter 15 Napaawang ang labi ni Marzena nang makita at mabasa niya ang pangalan ng makakasama niya sa buong parade. Damn. What am I supposed to do? She's so nervous right now pero lalo siyang kinabahan ng malaman kung sino ang makakasama niya sa buong parade. Namamawis at nanlalamig na ang kamay niya sa sobrang kaba na nararamdaman niya at hindi nakakatulong ang tensyon sa paligid niya. Hindi niya alam kung kakayanin niyang makasama ang lalaki sa mahabang oras. Walang nakarinig nang binulong niya kanina kaya wala pa nakakaalam kung sino ang nabunot niya. Hinanap nang paningin niya ang lalaki sa malawak na salas. Tingin siya nang tingin sa paligid. At nang makita niya ito ay nagulat pa siya nang makitang nakatingin din ito sa kanya na para bang alam nito na siya ang nabunot niya. What should I do? What should I do? Paulit-ulit na tanong niya sa sarili niya. Umiwas siya ng tingin nang muling tumikhim ang announcer na nasa harapan nila. "Maaari na kayong lumapit sa magiging kasama ninyo sa parade." The announcer says, excitedly. Mukhang mas excited pa ito sa kanilang paparada. What would I do? Damn it. Bakit ganito na lang kalakas ang t***k ng puso niya pag ang lalaki na ang pinag-uusapan. Napahawak siya sa dibdib kung nasaan tapat ang puso niya nang muling tingnan niya ang lalaki. "Girl, sino ba nabunot mo?" Seam asked her, pilit pa nito kinukuha ang papel sa kamay niya na pilit naman niyang iniiwasan dito. Nang magtagumpay ito ay kita niya ang gulat sa mukha nito. "OMG! Si Sir Kione!!!" Gusto niyang sabunutan ang kaibigan ng isigaw nito ang pangalan ni Kione. Damn it, ang ingay-ingay mo, Seam! Sa mga oras na iyon ay gusto niya ipakain kay Seam ang papel na hawak dahil sa ka-ingayan nito. Marzena can feel their gaze toward her and it's not helping. Rinig na rinig din niya ang mahihinang pagreklamo ng iba habang ang iba naman ay nagsasabi na ang swerte daw niya dahil kapareha niya ang lalaki. Papalapit na sa kanya si Kione, kaya lalo siyang nataranta sa pwesto niya. f**k! Mas lalong lumakas ang t***k nang puso niya nang makitang ilang hakbang na lamang ang layo nila sa isa't-isa, at natataranta ma rin siya sa mga oras na iyon. Sa sobrang pag-iisip niya ay hindi niya inaasahan na itutulak siya ni Seam papunta kay Kione kaya muntik pa siyang matapilok. And again, thanks to Kione for catching her again. When she looked at Seam, nagtaka siya dahil mukhang natatakot at kinakabahan ito bigla. Why? Wala pa naman siyang ginagawang masama dito. "Careful." She can feel a shiver down her spine when she hears a cold but husky voice. It's Kione, the one and only. "Sorry," she whispered. Marzena can feel his strong arm wrapped around her hips. She didn't understand herself but Marzena felt safe in those strong arms. And she like the warm of Kione's body. She glanced at Kione. "How did you know that we're partners?" she asked habang hawak-hawak parin siya nito sa baywang. Nagkibit balikat ito. "I just know." He replied. Ang tipid naman magsalita nito. Pero hayaan na nga at least sinasagot siya nito diba? When she looked around the sala, ang lahat ay nakatingin sa kanila, pinapanood ang mga galaw nilang dalawa kaya wala sa oras na napa-ayos siya ng tayo. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kahihiyan na ginawa niya. "Ehem.. dahil nasa kanya-kanya na kayong partner ay maari na kayong lumabas para sumakay sa magiging sasakyan ninyo sa buong parade. Good luck everyone." Mr. Announcer says, excitedly. Umayos siya ng tayo para maalis ang pagkahaw ni Kione sa baywang niya. Buong akala ni Marzena ay tatanggalin na nang lalaki ang pagkakahawak nito sa baywang niya pero hindi nito inalis sa halip ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak na para bang ayaw nito malayo sa kanya. Nakakahiya, dahil pinagtitinginan sila ng lahat ng nakakakita sa kanila. Inggit, asar at paghanga ang makikita sa mga mukha ng mga ito. "Damn it." Rinig niya ang ilang beses na pagmumura ng katabi niya na ikinataka niya. "What?" She asked. May nagawa ba siyang mali? He glanced at me. "Damn those predators. They're looking at you." "Predators?" nagtatakang tanong niya. What does he mean when he says, predators? Aillard glanced at her. "Men." Oh... And he's right. Marzena can see those men watching and looking at her, like they want to eat her in another way. Natakot siya sa mga pinupukol na tingin sa kaniya ng ibang kalalakihan kaya wala sa sariling napakapit siya sa coat na suot ng lalaki. Hindi na kasi niya gusto ang paraan ng pagtitig na ibinibigay nang mga ito sa kanya. Napabaling siya sa lalaki nang magsalita ito. "Where's your stylist?" Kione asked. Si Seam? Bakit nito hinahanap si Seam? Ano ang kailangan nito sa stylist niya? "Why?" Kunot ang noo na balik tanong niya dito. "You need to change." He stated. What? Why? Hindi ba maganda ang suot niya kaya gusto nito na magpalit siya ng gown? Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ang suot niya na gown kung may mali ba doon na maaari nitong hindi magustuhan. "Okay, naman yung suot ko. Tsaka isa pa wala na akong oras para magpalit pa, ano mang oras ay mag-uumpisa na ang parade. Nakakahiya naman kung paghihintayin natin yung iba para lang makapagpalit ulit ako. " Mahabang sabi niya sa binata. Kione took a deep breath. "Okay fine. Let's go." Maingat siya nito sinuportahan sa kaniyang paglabas kahit sa pagbaba niya nang ilang baitang ng hagdan palabas nang palasyo. Hindi muna siya sumakay sa sasakyan na para sa kanila, hinahanap parin kasi niya si Llyr. She's like her little sister, kaya nag-aalala siya para rito. "Why?" Dahil nga nakasuporta sa kaniya ang lalaki ay napahinto din ito. Marzena immediately smiled at Kione. "May hinahanap lang." Aniya at bumalik sa paghahanap kay Llyr. May kumaway sa kanya. Its Llyr. Hindi niya kilala ang kasama nito pero halata na mapanganib ang kasama nang bata. "Sino 'yon?" Tanong niya kay Kione habang tinuturo ang lalaki na kasama sa sasakyan ni Llyr. "Iyon... yung kasama nung bata? Kilala mo ba?" Masama ang itsura na nilingon ito ni Kione. "f**k! Why? Do you like him?" Galit na tanong nito sa kanya bigla animo may kasalanan siyang nagawa. Huh? Bakit nagagalit 'to? Gusto lang naman niya na malaman ang pangalan nang kasama ni Llyr at malaman kung magiging ayos lang ito na kasama ang lalaki. Gusto lang din niya na malaman kung ligtas ba ang bata. Even though Marzena knows that they are not safe here in Mordecai because there are no safe places in the world where they could hide. "What? Of course not!! I need to know kung magiging ligtas ba si Llyr kung kasama niya iyong lalaki na iyon sa buong parade. Ang bata ang inaalala ko hindi ang lalaki." Paliwanag niya dito. Kione tsked. "Stay here." Napanganga siya sa binata ng iwan siya nito at lumapit sa sasakyan nina Llyr. Nang makalapit si Kione sa mga ito ay agad nawala ang matapang na anyo nang lalaki at napalitan nang takot ng kausapin ito ni Kione. Ano kaya ang sinabi ni Kione at gano'n na lang ang takot ng binata. Kanina ang tapang tapang na parang tigre pero nang makaharap si Kione ay naging maamong pusa ito na animo takot na takot sa amo nito. Nakita niya na masayang bumaba si Llyr sa likod nang sasakyan at masayang tumakbo papunta sa kaniya kaya naman malaki ang ngiti niya na sinalubong ang bata. "Ate Marzena!!" Sinalubong siya ni Llyr nang mahigpit na yakap. "Thank you." Maingat na pumantay si Marzena sa bata. "Para saan naman?" Takang tanong niya. Inayos niya ang gown na suot dahil baka makitaan siya sa pag-upo na ginawa niya. "Kasi Ate Marzena kayo na ang makakasama ko sa buong parade. Alam mo ba Ate nakakatakot kaya yung lalaki na kasama ko kanina. Para ba na kakainin niya ako kapag tinitingnan niya ako nang masama. So scary..." Kuwento nito sa kaniya ni Llyr na nakanguso sa harapan niya. Hindi niya nasagot ang bata nang may humawak sa braso niya pataas tila pinapatayo siya. Nang tingnan niya kung sino iyon ay nakita niya si Kione.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD