Chapter 14
Rinig na rinig ni Marzena ang pagsinghap nang mga tao sa paligid niya. Hindi niya makita ang mukha nang sumalo sa kaniya dahil natatakpan ng buhok niya ang mukha niya.
Ramdam ni Marzena ang matigas at mainit na braso na nakayapos sa baywang niya. Unti-unti niya tinanggal ang buhok na nakaharang sa mukha niya upang makita ang mukha ng sumalo sa kanya. The angular, raw-boned face, his eyes were gray, his perfect jaw that makes him formidable and hot as fire. Marzena can feel his cold, grumpy, and arrogant aura.
Nang makabalik siya sa wisyo ay mabilis na tumayo siya at agad na humingi nang paumanhin dito.
Marzena can hear her heart pounding loudly. Natatakot siya na baka marinig iyon nang lalaki sa sobrang lakas ng t***k nang puso niya. May sakit ba siya sa puso, bakit naging ganito na lang kabilis bigla ang t***k ng puso niya gayong nakaharap lang naman niya ang lalaki na nasa harapan niya. Ngayon lang ito nangyari sa kanya.
Umiwas siya ng tingin sa lalaki bago humingi ng tawad dito. "Sorry. Hindi ko sinasadya, hindi ko kasi napansin na-" he didn't let her finish.
"You better watch your step." The sound of his husky but cold voice jolted in Marzena's body.
Tahimik na nakatingin sa kaniya ang lalaki. He'd stood there watching every single moment she does. Sobrang naiilang siya sa mga tingin na ibinabato nito sa kanya.
"Marzena! Ano ka ba namang babae ka alam mo naman na kailangan mo na mag-ayos." Ani ng bagong dating na si Seam. Nang huminto ito sa harap nila ng lalaki ay mukhang nagulat ito nang makita kung sino ang kasama at kausap niya.
"Good day, Sir Kione." Bati nito sa lalaki. Lalo siyang nagulat ng bahagyang yumukod si Seam sa kasama niya.
What the heck?
"Kione?" She uttered the man's name. Napaigik siya nang binatukan naman siya ni Seam. She throw sharp glanced at the man. "Aray! Masakit kaya ah." Reklamo niya dito habang kinakamot ang bahagi nang ulo na binatukan nito.
"Who do you think you are? Give some respect to this handsome man." Seam whispered in her ear.
She secretly nodded. She agreed that the man in front of her was really handsome.
Tiningnan niya ang lalaki sa harap niya at kumunot ang noo niya dito. Why would she do that? Who's this guy? Is he's that really important?
"Who are you?" Hindi na niya napigilan pa ang sarili na tanungin ito.
His black eyebrow rose at her. "A no one."
No one? Pero kung igalang ay ito ay ganun ganun na lang. Bago siya tangayin ni Seam ay magalang na nagpaalam muna ito sa lalaki. Bago pumasok sa silid ay tiningnan muna niya ang lalaki na nakatingin din pala sa kaniya. Something inside her stomach was twisting and fluttering when their eyes met.
What's happening to me?
"Ikaw na babae ka! Hay nako maloloka talaga ako sa'yo." Seam said, hysterically. He threw a glance at her, "hindi mo ba talaga kilala ang lalaki na iyon?"
Umiling siya. "Nope. Who is he? Is he someone important from higher wards?"
Curious na talaga siya kung sino ang lalaki na iyon. Bakit tila siya lang ang hindi nakakakilala dito.
Sumama ang mukha ni Seam. "Naku!!! Girl late na late ka naman sa balita. Pero mamaya na natin 'yan pag-usapan kailangan mo na bilisan dahil ilang oras nalang ay mag-uumpisa na ang parade."
Seam sighed loudly before walking towards her. Bigla siya nito tinulak papuntang banyo. Sa gulat niya ay muntik pa siya masubsob laking pasalamat na lang ay nakahawak siya sa lamesa na nasa gilid niya. Tinapunan niya ng masamang tingin si Seam.
"Oops.. sorry." Anito sa maarteng boses tila inaasar pa siya.
"Nakakadalawa ka na Seam!" Yamot na sabi niya dito.
Mahinang natawa ito. "Oo na bilisan mo na. Hindi ko naman sinasadya yung kanina pero ngayon medyo sinadya ko na." Mabilis na sabi ni Seam na may malapad na ngiti sa labi.
Gusto niya burahin ang ngiti nito dahil sa asar na nararamdaman niya para dito.
After an hour ay tapos na siya maligo. Nakasuot si Marzena ng pulang roba. Dahil aayusan daw muna siya ni Seam bago isuot ang gown niya.
"Kailangan ba talaga na gown pa ang suot sa parade na iyan?" tanong niya dito habang nakatingin sa salamin kung saan kitang kita niya ang ginagawa nito.
Busy ito kakakuting-ting sa buhok niya. Her hair was into the half up half down hairstyle. After her hair, makeup naman ang sinusunod nito.
After an hour nang pag-aayos sa kaniya ay natapos na din sa wakas ang ito sa pagaayos nito sa mukha niya. Nang idilat na niya ang mata ay namangha siya sa babaeng nasa harap niya.
Siya ba talaga ito? May paka-deep and dark ang make up niya not to mention it also a little intimidating.
"Ang ganda mo girl!" Masayang sabi ni Seam sa kanya habang pumapalakpak sa likod niya habang nakatingin sa salamin pinagmamasdan siya mula roon.
I know right?
She gave her sweetest smile to Seam. "Thanks, Seam."
"You're welcome." He says and flips his imaginary long hair.
Natawa siya sa inasta nito. Again she looked at her reflection in the mirror. Nag-matured ang itsura niya. Ang ganda ganda ko. Hindi akalain ni Marzena na magiging ganito ang itsura niya kapag nag-makeup siya.
"And lastly your gown. Sure na tumulo ang mga laway sa'yo ng ibang ward pag nakita ka nila. Baka nga kahit si Sir Kione ay ma-inlove sa iyo pag-nakita ang ayos mo." Ani Seam na kinikilig sa tabi niya habang hawak ang malaking bag na naglalaman ng susuotin niya.
Medyo nahihirapan pa siya sa pagsusuot dahil nasa likod ang zipper nito. She's wearing a full-length black spaghetti strap gown.
Kita ang cleavage niya pero kaya naman niya. Medyo ilang lang siya dahil sa haba ng slit ng suot niya.
"Seam, hindi ba ako makikitaan dito sa suot ko na ito?" Tanong niya dito habang tinatakpan ng tela ang kitang kita na hita niya.
He tapped her shoulder. "Don't worry girl hindi ka makikitaan sa gown mo, isa pa kaya nga pinasuot kita ng cycling short-short kanina." He said while examining her. "Nakakainggit ka girl, ang sexy mo."
They stop chit-chatting when someone knocks on the door. Mula doon ay sumilip doon si Dane.
"Are you done?" Dane asked her.
"Yup."
Dane glanced at her body. "You look amazing. But kailangan mo na bumaba dahil may pagbabago na mangyayari sa parade."
"Anong pagbabago? Saka bakit biglaan naman yata?" She asked, confused.
"I don't know either. Mamaya palang sasabihin kung ano ang pagbabago na mangyayari," Dane explained.
Nakapagtataka dahil biglang pagbabago ay bumaba na sila. Inalalayan pa siya ni Seam at Dane dahil sa hindi siya sanay sa heels na suot niya ngayon idagdag pa na naka-gown siya. Baka mamaya ay madapa siya, kahiya hiya na naman siya sa lahat pag nangyari iyon.
Dahan-dahan ang paghakbang na ginawa niya sa hagdan. Kita mula sa pangalawang palapag na marami nang tao sa sala ng palasyo. Nagkalad doon ang mga kalahok ng Duellum, lahat ay mga nakasuot ng naggagandahan na gowns at suits.
May pailan ilan na nakatingin sa gawi niya. Nang makarating siya sa sala ay naghanap agad ng mata niya si Llyr hindi ang kapartner niya na si Allerick.
"Dahil nandito na ang lahat ay maari ko na ipahayag ang pagbabago na nagaganap sa parade." Panimula ng lalaki sa harap. Tahimik ang lahat, nakikinig ng mabuti sa kung ano man ang sabihin nito. "Kung nung nakaraan ay ang kasama ninyo sa Ward ang magiging partner ninyo sa parade ngayon ay hindi."
Marami ang nagtaka sa sinabi nito. Kahit siya ay nagtataka. Kung gayon ay sino na ang makakasama niya sa parade? At bakit biglaan ang pagbabago?
"Listen everyone!! May bunutan na mangyayari." May inilabas ito na malaking fishbowl, may mga papel sa loob nito. "Nandito na ang lahat ng pangalan... Kung sino ang mabubunot ninyo ay siyang magiging kapartner ninyo. Babanggitin ko ang pangalan ng bubunot sa bawat ward." Anito at binasa ang nasa papel. Unti unti na tinawag ang mga pangalan ng mga bubunot. Pakonti konti na ang papel sa loob.
"Marzena Davenbord and lastly Daleka."
Naglakad siya papalapit sa harapan kung nasaan fishbowl. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Paano kung may galit pala sa kaniya ang makasama niya sa parade tapos gawan siya ng masama. Edi hindi pa nag-uumpisa ang Duellum patay na siya agad.
Hindi muna niya binuksan ang papel dahil sa huling pagkakataon sasabihin pa kung sino ang maaaring makasama nila sa parade. It means ang maaaring maka pareha niya ay isa sa mga hindi bumunot.
Inumpisahan na ng announcer banggitin ang mga pangalan. "Tybalt, Gavril, Morgayne, Gadina, Asena, Adelaide, Llyr, Allerick..." Marami pa itong binabanggit na pangalan. "And last but not the list... Sir Kione Cunningham."
Naging tahimik ang buong salas dahil sa huling binanggit na pangalan. So, kinatatakutan din ito?
"Maari niyo nang buksan ang mga papel na hawak ninyo."
Ang kaba niya ay bumalik. Dahan dahan na binuksan niya ang maliit na papel na hawak hawak niya. Pwede ba mag back out na lang? Shit... I'm nervous. Very nervous.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan na nasa papel na binunot niya. "Kione Cunningham" She read the name on the paper.