Chapter 13

1948 Words
Chapter 13 Today is the day they will meet the other opponents of the game, Duellum. Marzena was so very nervous right now. Nanlalamig at namamawis ang kamay ni Marzena sa sobrang kaba na nararamdaman niya. More what if's are coming from her mind. Sumasakit na ang ulo niya sa daming what if's na iniisip niya. Hindi niya lubos maisip kung ano ang maaaring mangyari mamaya kapag nakaharap na niya ang lahat ng kalahok sa naturang laro. Napansin din niya na wala na din ang mga reporters with their insect-like cameras. Marzena was practicing herself on removing the emotion from her face and she did now. Earlier when Dane saw her she said that she should do it better so the other opponents see her as fierce, strong, brave, and not a weakling like the others always say to her. And Seam also gave her a bunch of clothes para daw kung gusto niya magpalit ay makakapagpalit siya kahit hindi na niya tawagin pa. And she already put those clothes in a closet in her room here. Mazu collects her for breakfast. Hindi nila kasama sina Dane at Seam dahil pawang mga kalahok at Councils lamang ang naroroon sa hardin upang makaharap ang iba. Siya, si Allerick at Mazu lang ang pupuntang garden para mag-breakfast with the other opponents of course. Doon ipapakilala ang magiging kalahok at pagkatapos niyon ay maghahanda na kami para sa gaganapin na parade ngayong araw. Someone announced their presence when they arrived in the garden. Bed of tulips welcomed them and in the center of the garden, they had a large table where all the dishes were highly breakable. "Good morning King Theoden, good morning everyone," Mazu greets everyone. "Good morning Mazu and to the two opponents of Ellesmere. You may sit down. We will wait for the other wards before we start to eat," King Theoden announced. Madalang si Marzena makarinig ng balita tungkol sa hari ng Mordecai dahil puro ang Council ang gumagalaw sa labas ng Mordecai. Pero ang alam ng lahat na galing sa 1st Ward si King Theoden ang Ravaryn. Marzena don't know if the king had a son or daughter dahil wala naman lumalabas na balita sa kaharian tungkol sa buhay ng hari or maybe ang mabababang wards lang walang ka-alam-alam sa mga nangyayari. Their world is fair to people but the people aren't fair to their kind. They only see those rich and high people but when they hear those poor they become deaf. Naupo si Marzena sa tabi ni Mazu. May nakalagay naman na pangalan ng Ward kaya alam nila kung saan sila ma-uupo. Halos gawing dulo na nang mahabang lamesa sila Marzena nakaupo dahil sunod sunod na wards ang ayos ng upuan namin. Napansin niya na wala pa ang pitong higher wards dahil bakante pa ang mga upuan sa unahan tabi ni King Theoden. Marzena glanced at Mazu and asked her. "Where is the Queen? Bakit-" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil agad na tinakpan ni Mazu ang bibig niya habang si Allerick naman ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya animo may nakakagulat siyang sinabi dahil sa tanong niya. Napapagitnaan nila ito ni Allerick kaya iyon nagawa ni Mazu. Tinapunan siya nito ng masamang tingin ni Mazu. "Don't. Wag na wag mo banggitin ang Reyna pag nasa tabi tayo ng Hari. Naiintindihan mo ba, Marzena?" Mazu says. She nodded. "Pero wala tayo sa tabi ng Hari. Ang layo layo natin sa kanila." Sagot niya pa. Nakita niya na nagpipigil ng tawa si Allerick sa tabi nila habang si Mazu naman ay napa tapik na lang ng noo dahil sa sinabi niya. What? Totoo naman ang sinabi niya. Wala sila sa tabi ng hari dahil ilang silya ang pagitan nila dito. Minsan talaga hindi ay niya maintindihan si Mazu. "Shut up, Marzena," masungit na sabi nito. Kita mo na talaga, attitude din minsan 'tong si Mazu e. "Bring back your fierce look the other wards are coming..." Mazu added. Her face went serious and fierce. Mula sa kanyang pwesto kita niya ang isang grupo na papunta sa gawi nila. Four boys and two girls, Marzena don't have any idea who and where wards these guys are from. They looked happy but the girls looks cruel, para ba na may pinaplano ang mga ito na masama, or maybe she's just hallucinating. May masamang kutob siya sa grupo na ito. Isang upuan na lang ang bakante, ang katabi ni King Theoden- ang isa sa Ravaryn na kalahok. Naiiba ang upuan na iyon kaysa sa kanila dahil may pagka-ginto ang kulay ng upuan na iyon. "Where's Kione?" King Theoden asked the lady in his side. Kione? Parang narinig na niya ang pangalan na iyon hindi lang niya matandaan kung saan? Nakita niya na may binulong ang babae sa Hari. Halata na hindi nagustuhan ni King Theoden ang binulong ng babae. Agad nitong pinapunta ang babae sa loob ng palasyo. "Let's eat," The King says, flatly. Pumikit na lang siya sandali at saka taimtim na nagdarasal. Tahimik ang lahat na kumakain, paminsan minsan ay may nag-uusap pero hindi ganun kalakasan dahil kasama namin ang Hari. Isinubo niya ang pagkain na nasa kutsara niya. Marzena doesn't know what kind of dish it is... but she likes it, nanunuot ang lasa nito sa bibig niya. Yummy! Nahinto ang pagsubo niya ng magawi ang tingin niya sa kaharap niya. "Hi." The kid greeted her. The kid gave her a warm smile. I think nasa 5 or 6 years old pa lang ito. "Hi..." She replied. Walang nakakapansin sa kanila dahil nasa dulo sila kaya malaya silang nakakapag-usap na dalawa. At isa pa walang nagtatangkang tumingin sa gawi nila. Maybe because they're from the lower wards. "I'm Llyr." Pakilala nito at saka inabot nito sa kaniya ang maliit na kamay. Maagap na tinanggap niya ang kamay nito at nakipag-kamay. This kid Llyr is like her sister- Cora. Nakikita niya sa batang nasa harapan niya ang kapatid niya. They look so cute, pure, lovely, and adorable. "Marzena..." Aniya dito habang nakangiti. Nakita niya ang ward na pinanggalingang nito- Pentrich, Ward 17. "Eat your food, Llyr," the lady said. Marzena thinks ito ang Council na may hawak sa Ward 17. Sa tabi nito ay isang babae na nasa edad kinse pataas. "Opo, Madame Odalis," magalang na sagot ni Llyr sa katabi nito. Halata na takot ang bata sa babae. Madame? Why did Llyr call the lady Madame? "Really, Odalis. Hindi ka pa rin natututo. Madame?" Halata sa boses ni Mazu ang pagkaalibadbad dahil sa narinig. The lady named Odalis, rolled her eyes. "Huwag ka makialam Mazu. Ano naman ngayon kung gusto ko na tawagin akong Madame?" Ibinaba ni Mazu ang hawak na kutsara at tinidor at saka nagpunas ng bibig bago magsilita ulit. "Pinapaalala ko lang sa'yo. Baka kasi mapatawan ka na naman ng kaparusahan dahil sa katigasan ng bungo mo. Alam mo naman na bawal ang gan'yan na klase ng pagtawag sa ating Council," Mazu responded. Lihim siyang napa-iling, bawal pero nagpapatuloy pa rin. She can see how ill-mannered this lady is. She's using her position for not-so-important things. Paano niya nasabi? Kung mahirap ang Ellesmere, mas mahirap ang Pentrich. Pero paano ito nakukuha na magsuot ng mamahalin na damit, alahas at sapatos isama mo pa ang lagi nitong dala dala na makintab na bag. Gaya na lang ngayon ang suot nitong damit ay kulay pula na dress ang disenyo nito ay ubod ng ganda dahil may kung anong kumikinang dito kapag natatamaan ng sinag ng araw at ang suot nitong alahas ay may malaking bato na naging palawit nito. "Huwag ka nang makialam pa sa gusto ko, Mazu," Odalis says. Ibang klase din itong babae na nasa harapan nila. Hindi na lang niya pinansin ang babae at pinagpatuloy na lang ang pagkain niya. Minsan ay tumitingin tingin sa akin si Llyr at ngumingiti kaya ginantihan rin niya ito ng ngiti. After an hour, they are already done eating pero nandito pa rin sila sa garden sa harap ng malaki at mahabang lamesa dahil hindi pa sila maaaring umalis hangga't hindi pa sila binibigyan ng signal ni King Theoden. Nailigpit na rin ang mga pinagkainan nila kanina at ngayon ay mag-uumpisa nang ipakilala ang lahat ng kalahok ng Duellum. Marzena wanted to leave but she chose to stay where she is. "Opponent from Ravaryn The First Ward, we have Aldrin Henly and Sir K-Kione Cunningham." Ani nang nag-aanunsyo. Nautal pa ito nung tinawag ang nito ang huling pangalan. Sir Kione Cunningham? Bakit ito tinawag na ganun tapos yung unang ipinakilala ay walang sir. Ano may special treatment? Tsk! Sa dalawang tinawag ay isa lang ang tumayo. Oh...He's also gay. Dahil sa suot nito na damit pambabae at kulay rosas na ipit nito. He's so cute with his clip. Sana ganyan din si Naullan, pero hindi dahil na rin sa utos nang Council. Higher Wards are really lucky, they can express they really want na hindi nagagawa ng mga Lower Wards. "Sir Kione was not here because something unexpected happened so he can't be with us. Pero mamaya ay asahan ninyo na darating siya." Paliwanag ng lalaki sa harap ang tagapagpakilala. Narinig niya sa pwesto niya ang biglang pag-uusap ng ibang babae na nagmula sa mataas na Ward. "Next, from Kestramore- second ward, Annaleigh Greenwood and Tybalt..." Marami pa itong ipinakilala na galing sa pitong mataas na wards. Gaya na lang sa third ward si Balderick at Gavril, sa forth ward naman ay sina Morgayne at Javaid- he's a gay too. Sa fifth ward naman ay sina Vidqur at Gadina. Before she forgot, Gadina is a lesbian. Habang sa sixth and seventh ward ay pareho na may bata na kalahok mga nasa edad pito at walo. "Next, from the Ellesmere- ward 15 Allerick Horn and Marzena Davenbord." The announcer said. Tumayo sila upang makita sila ng ibang kalahok na kasama nila sa mahabang lamesa. "Lastly Pentrich- ward 17, Daleka and Llyr." Tatayo pa lang sana sina Llyr ay nagsalita na agad ang announcer na pinapabalik na sina sa silid nila upang ayos dahil ngayon na magaganap ang parade. Damn it. That was rude. Hindi man lang nila hinayaan na makatayo muna sina Llyr at ang kasama nito para makilala din sila ng ibang wards. Napailing na lang siya, ano pa nga ba ang aasahan niya. When Marzena glanced at Llyr, Marzena could see how downhearted the kid was. She gave her a cheerful smile and thankfully she was back from being a bright and lovely kid. Hindi na niya nakita pa ulit si Llyr nang umakyat sila papunta sa silid nila dahil magkaibang way ang mga silid nila. "Look at her, she looks awful." A lady whispered. Sa tingin niya ay galing ito sa Kestramore. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Kung siya man... nakakaasar. Simula nang dumating siya sa Mordecai ay ilang beses na siya nakatanggap ng pintas sa mga tao. Hindi niya ito pinansin sa halip ay sinundan na lang niya sina Mazu at Allerick na nauuna sa kanya. "At least she has a decent table manner. If she doesn't have I don't think so if I can eat earlier. It can completely upset my beautiful digestion." Ani naman nang isa. Sa pakikinig niya sa mga sinasabi ng mga ito ay hindi niya napansin na naiwan na pala siya nina Mazu at Allerick. Konti na lang ay malapit na siya sumabog sa sobrang asar niya. Sa paglalakad niya ay hindi niya napansin at may nabunggo. Muntik pa na mabuwal siya mabuti na lamang at mabilis siyang nasalo nang naka bungguan niya. Napapikit siya habang ang kamay ay mahigpit na nakakapit sa matigas na braso nang sumalo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD