Chapter 12

2063 Words
Chapter 12 "Welcome to the Mordecai." Napahinto si Marzena sa pagmamasid ng may nagsalita. Nakita niya ang isang lalaki na pababa sa engrande na hagdan. He looks familiar to her, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita dati. "Good day, King Theoden," Mazu said and bent down to give respect to the man. King Theoden? The King... I knew. Nakita ni Marzena na sinenyasan sila ni Mazu na yumuko sila kaya sumunod sila. Ngayon lang niya nakita sa malapitan ang Hari nang Mordecai. He gave them signal to stand up. Tumawag ito ng maghahatid sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga muna at pagkatapos niyon ay agad din silang iniwan at sinalubong nito ang ibang kalahok na galing sa mataas na ward. Paano niya nasabi? Dahil kitang-kita niya ng dalawang mata niya kung paano nito mainit na tinanggap ang mga bagong dating. Habang sila na ngaling sa mababang Ward ay hinayaan lang nito. "I'll be attending a Council meeting for upcoming events before the day of Duellum," Mazu announced bago sila pumasok sa kanila maging silid. Magkakahiwalay sila ng silid pero tabi-tabi lang ang mga kwarto nila at sa labas nito ay may malawak na living room doon. "You should go. Magpahinga na muna kayo. Ipapatawag ko na lang kayo kapag may kailangan ako sa inyo." Nang umalis ito sa harap nila ay pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto. Bumungad kay Marzena ang kulay murang kayumangging kama. Para ba na inaakit siya ng kama ng makita niya iyon. Tinanggal ni Marzena ang suot na heels at hinayaan niya ang paa na walang sapin. Malamig. Pero kaya naman niya ang lamig sa talampakan niya. Gusto man ni Marzena magpalit ng damit dahil nangangati na ang katawan niya ay hindi niya magawa dahil hindi naman siya nakapagdala ng damit niya. At kung pupuntahan naman niya si Seam para manghingi nang pamalit niya ay alam niya na nagpapahinga na ito. Maingat na humiga siya sa kama takot na baka masira niya ang damit. Itinakip niya ang malambot at makapal na kumot sa katawan niya. Tuwing nag-iisa si Marzena ay hindi niya maiwasan na isipin ang mga kapatid at magulang na iniwan niya sa Ellesmere. Kung okay lang ba ang mga ito, may nakakain kaya sila, pumapasok ba si Nova at Cora sa eskwelahan? Gusto man ni Marzena kamustahin ang pamilya niya ay hindi niya magawa dahil wala siya maisip na paraan para kamustahin ang mga ito. Hanggang sa makatulog siya ay iyon pa rin ang nasa isip ni Marzena. Hindi pa man siya nahihimbing ay bigla siyang naalimpungatan. Nang maidilat ni Marzena ang dalawang mata at inilibot ang paningin ay nagtaka siya. Where am I? Tanong niya sa sarili. Hindi ito yung kwarto niya. Pinagmasdan niya ang paligid. She can't see anything because of darkness. Pilit niya inaaninag ang paligid niya. Fear. Iyan ang nararamdaman ni Marzena sa mga oras na ito. Takot man siya ay pinilit niya na maglakad sa madilim na silid. "Hello!! Can somebody hear me?!" Ramdam na ramdam ni Marzena sa boses niya ang takot at kaba. Tila walang hanggan ang nilalakaran ni Marzena. Napatakip siya ng mukha nang may nakakasilaw na liwanag na tumapat sa mukha niya. Nang makapag-adjust ang mata niya ay tinanggal niya ang kamay sa pagkakatakip niya. Nasa loob siya ng isang malaking kuwarto, kulay puti ito walang kahit na anong gamit sa loob ng silid nagbubukod tanging siya lamang. Naglakad parin siya kahit na napapansin niya tila walang katapusan na ang nilalakad niya. "Marzena?! Ate?!" Marzena heard the voice. Marzena knew that voice very well, it was Cora, her little sister. Nakaramdam siya ng tuwa nang makilala niya ang boses. "Cora?! Cora, where are you?" Marzena shouted. Lingon siya nang lingon pero hindi niya makita ang kapatid. "Ate help me?! Ate Marzena help?!" Puro iyon ang sinisigaw nito. Tumakbo si Marzena sa pinanggagalingan ng boses. Ilang minuto na siya tumatakbo pero hindi parin niya marating ang pinanggagalingan ng boses. Her sister, she needs me. Cora needs me. Mas binilisan ni Marzena ang pag-takbo, takot siya na baka mahuli siya. Sa bawat pag-takbo niya ay ramdam niya ang lamig ng sahig na unti-unting nagiging basa. Ang dating lamig ay naging mainit dahil sa tila tubig na tinatakbuhan niya. Nararamdaman niyang malapot iyon, dahil madilim ang paligid ay hindi niya lubos na makita kung ano ang nilalakaran niya. Hindi niya iyon pinansin dahil sa mga oras na iyon ay isa lang ang nasa isip niya. Nasa panganib ang kapatid niya at kailangan siya nito. Kailangan nito ang tulong niya. May nakita siyang anino. Anino ng kapatid niya at sa likod nito ay tila isang maliit na tumpok ng kung ano. Nang makalapit siya ay tila nagimbal siya sa nakita, ang tumpok na sinasabi niya ay ang pamilya niya. "C-cora?" Nauutal na sabi ni Marzena. "N-nanay, T-tatay, Nova..." Ramdam niya ang luha na dire- diretso tumulo sa mga pisngi niya. Basang basa ang mukha niya sa luha. Napaluhod siya at napahawak sa sahig. Nagtaka siya nang may nahawakan siyang malapot na tubig. Nang tingnan niya ang kamay ay hindi iyon tubig. Kundi dugo. Halos himatayin siya sa nakita. Blood... Blood from her dead family. "Why? Bakit sa dami nang tao... bakit sila pa!!!" Hiyaw niya. Nag-angat siya ng tingin. Marzena saw her sister standing in front of her holding a knife. Cora is ready to stub herself. "No! Cora, no!! Please don't do this. Don't leave Ate, Cora..." Nagmamakaawa siya dito. Hilam na ang mata niya dahil sa mga luha niya. "Kung hindi ko papatayin ang sarili ko... Ate ako ang pahihirapan nila, ako naman ang sasaktan nila." mahinang sabi nito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Sinong nila? At bakit ito pahihirapan? She can see how her sister stub herself. "No!" Mabilis na nilapitan niya ang kapatid. Dinaluhan niya ang kapatid na nakahiga sa sahig- duguan. Hinawakan niya ang ulo nito at inangat para ipatong sa hita niya. "Why did you do that?" Marzena whispered while sobbing. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya. Sobrang sikip ng dibdib niya animo ay ilang beses pinapiraso iyon. "Don't cry... Ate," her little sister said. Inangat nito ang maliit na kamay at pinahid ang luha sa pisngi niya. "Ate takot na takot ako... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala ka sa tabi ko... nung kailangan kita. Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa amin bakit pinabayaan mo kami." Nasasaktan siya sa sinabi ng kapatid dahil alam niyang totoo ang sinabi nito. Nangako siya pero hindi niya iyon tinupad. Wala siyang nagawa para iligtas ang pamilya niya. "I'm sorry... I'm sorry, hindi kayo naligtas ng Ate... " Aniya. Bakit ang hina niya. Tama nga ang taga-Mordecai she's weak. Ni hindi niya nailigtas ang magulang at mga kapatid niya. Wala siyang kwentang anak at kapatid. "I'm sorry.. sana mapatawad nyo si Ate. Mahal na mahal ko kayo." Aniya at hinalikan ang noo nito. "I hate you, Marzena. Sana hindi na lang kita naging kapatid kung papabayaan mo lang din pala kami. I hate you!" Gusto niya sabihin sa kapatid na bawiin nito ang sinabi nito. Nasaktan siya sa mga sinabi nito. Para ba na ilang kutsilyo ang tumusok sa puso niya. Cora, she hates me now. My sister, hate me for real. "Cora... No, don't close your eyes. Hihingi ako ng tulong. Tulong!! Tulungan nyo ko!!" Aniya. Hiyaw siya ng hiyaw pero tila ume-echo lang ang boses niya. "Don't... D-don't leave me.. I'm sorry..." Aniya. Unti- unting sumara ang mata nito. Wala na. Wala na ang kapatid niya, ang magulang niya. Wala na ang pamilya niya. Bakit ba nangyayari ito sa kanya? Ano ba nagawa niyang kasalanan para pinagdaanan niya ang lahat ng ito. Masama ba akong tao para iparanas ang ganitong sitwasyon sa kanya? Mahigpit niyang niyakap ang malamig na katawan na katawan ng kapatid niya. Buo na ang isip niya. Sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ang noo ng kapatid at bumulong ng 'I'm sorry and I love you'. Kinuha niya ang kutsilyo sa tabi ng kapatid niya. I'm done with all of this s**t. Since my family is dead I should be dead too. Dahan dahan niya itinutok ang talim ng kutsilyo sa tapad ng puso niya. Handa na siya na idiin ito ng may malamig na tubig na bumubuhos sa kaniya na siyang nagpagising sa kanya. "f**k!" Hiyaw niya. Dammit, ang lamig. Inilibot niya ang paningin at dahil doon ay pumasok sa isip niya na panaginip lang ang lahat. Nasa kuwarto parin siya wala sa isang malamig na silid na puro dugo, wala din ang katawan ng kapatid niya. "I'm sorry. Ginawa ko lang 'yun.. ayaw mo kasi gumising tapos iyak ka pa ng iyak habang sinisigaw ang isang pangalan. Marzena, who's Cora?" Seam says. May hawak ito na maliit na palanggana. Nagbaba siya ng tingin. Naalala na naman niya ang panaginip niya. She doesn't know what to do if it really happens. Hindi niya lubos na maisip kung, paano na lang kung talagang kinamumuhian siya ni Cora. "She's my little sister," Marzena replied in a faint voice. "Then why are you crying? Hmm..." Anito habang ibinababa ang palanggana bago lumapit sa kanya. Tumabi ito sa kaniya ng upo kaya naman umusog siya para bigyan ito ng espasyo na maaaring upuan nito. Marzena took a deep breath before answering. "Just a nightmare. A bad one." "Gusto mo ba pag-usapan natin?" Tanong nito sa malumanay na boses. I don't want to remember that, it makes me dead knowing that my family died at wala akong nagawa para sa kanila. Para maligtas sila. Umiling siya. "I don't want to. Ayoko nang maalala pa iyon," Aniya. She glanced at Seam and asked him, "bakit ka nga pala nasa kwarto ko? May kailangan ka ba?" "Mazu called us. May inanunsyo ito kaya magbihis ka na," Anito at saka inabot sa kaniya ang isang simpleng crop top at black high-waisted jeans. Kinuha niya iyon at agad na pumasok sa banyo para maligo. Namangha pa siya dahil sa laki ng banyo pero dahil kapos na siya sa oras ay binilisan niya na ang paliligo. Ngayon ay pinapatuyo na ni Seam ang buhok niya. Hindi siya nito nilagyan ng make up halip ay lip tint lang ang nilagay nito sa kanya. Ang buhok naman niya ay kinulot lang nito at hinayaang nakalugay. "Are you okay, now?" Seam asked her. She smiled. A fake one. "I'm okay." I'm not. Gusto niya sabihin iyon sa lalaki pero hindi niya itinuloy. After 10 minutes, tapos na din siya ayusan ni Seam. Inaya siya nito sa loob ng silid ni Mazu, doon na lang daw sila mag uusap usap. Seam knock three times before he opens the door. Ganun kalaki din ang kwarto ni Mazu pero maiba lang ng kulay nito sa kanya. "Sumunod ka sa akin." Gaya ng sabi nito ay sumunod siya dito, papunta pala sila sa veranda. Sila na lang pala ni Seam ang iniintay doon. "Seat down, Marzena," Mazu says. Naupo siya sa tabi ni Allerick na tahimik lang sa tabi niya. Tila malalim ang iniisip nito. Nabaling ang tingin niya ng magsalita si Mazu. "Pinatawag ko kayo para sabihin sa inyo ang napag-usapan sa pagpupulong ng mga Council," Panimula nito. "Makikilala n'yo bukas ang ibang kalahok sa Duellum. At lastly may magaganap na parade sa buong nasasakupan ng Mordecai." Buong nasasakupan? Ibig bang sabihin nito ay lahat ng Ward ay pupuntahan nila. Makikita niya ang pamilya niya. Hindi niya mapigilan na matuwa dahil sa sinabi nito. "At pagkatapos nang parade ay magkakaroon ng training ang lahat ng kalahok kasama ang lahat," dagdag pa nito. She frowns. "You mean na hindi na si Dane ang magte-train sa'min?" "No. Si Dane parin pero kasama ninyo lang ang ibang kalahok," paliwanag nito. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Mabuti naman at ito pa rin ang trainer nila. Gusto kasi niya na si Dane ang mag-train sa kanila dahil alam niya ang kakayahan ni Dane. At isa pa tiyak na marami siyang matututunan mula dito. "But be aware of other contestants. Some of them are such an asshole and full of themselves," Dane said. Napabuntong hininga siya dahil alam niyang totoo ang sinabi nito. Starting tomorrow Marzena will taste hell. She needs to be strong to prove to them that she is not just an ordinary woman who they called a weakling. Ipapakita niya na hindi lahat ng babae ay mahina katulad ng inaasahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD