Chapter 22
Nagising si Marzena sa mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa ingay na naririnig niya mula sa labas ng kuwarto niya. Nang iminulat niya ang mga mata ay bumungad sa kanya ang pamilyar na kisame-- nasa kwarto na pala siya.
Wait?
Did I teleport here?
Ang naalala niya nasa sasakyan sila ni Kione, siguro ay binuhat na naman siya nito.
Napatampal siya sa noo niya, tiyak na pag-uusapan na naman siya ng mga kasama nila. At tiyak na pag-iinitan na naman siya nang mga babae na may galit sa kanya.
"Ate..." Ani ng maliit na boses sa tabi niya. Nang tingnan niya ay nasa loob ng kumot niya si Llyr, nagtatago sa tabi niya. Ulo lang ang kita sa bata animo may pinagtataguan ito. Buti na lang at hindi niya ito nadaganan.
"What are you doing there?" She asked at inayos niya ang bata. Inupo niya ito sa hita niya para makausap ito ng maayos.
Muntik nang mapatalon si Marzena ng may malakas na kumalabog mula sa labas. And because of that Llyr panic and trembled in fear. Nanginginig ang maliit na katawan nito sa takot. Mula sa pwesto nila ay rinig na rinig nila ang pagkabasag ng mga gamit mula sa labas at ang ingay na nagagawa niyon.
Damn it! Sino ba iyon? Natatakot na nila ang bata dahil sa mga ginagawa nilang pagbabasag ng gamit.
"Ate wag tayo lalabas, please, nakakatakot si Kuya Kione. Please, Ate, natatakot ako." Anito habang lumuluha sa harap niya at nagmamakaawa. Magkadikit ang mga palad nito at sabi ng sabi sa kanya ng please.
Kione? What the heck is happening? Muntik na siya mapamura ng marinig niya ang pagkabasag ng kung ano sa labas. Damn it, Kione! Anong ginagawa mo?!
This time Llyr was crying on Marzena's shoulder. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Takot na takot ang bata, nanginginig na din ang maliit na katawan nito. Walang pag-alinlangan na bumaba siya sa kama. Hindi pa man siya nakakalabas ay narinig na niya ang pagtutol ng bata sa kaniya.
"Shh.. Don't cry, hindi tayo sasaktan ni Kuya Kione, okay? Bubugbugin natin 'yon pag may ginawa siyang kalokohan." Aniya pero sa totoo lang ay malakas na ang kabog ng dibdib niya sa kaba at takot animo gusto na kumawala nang puso niya mula sa dibdib. Natatakot siya sa maaring maabutan niya sa labas ng silid.
Llyr nodded while sobbing. Malaki ang hakbang na tinungo niya ang pinto. She took a deep breath before she opened the door. Her eyes widen nang makita na may papalapit na maliit na babasagin na vase sa gawi niya. Buti na lamang ay mabilis siya nakaiwas. Narinig niya ang malakas na impact niyon sa pinto niya na naging dahilan ng malakas na pagpalahaw ng iyak ni Llyr.
"Oh, my gosh! Marzena! Llyr! Are you okay?" Seam asked them habang tumatakbo papunta sa gawi niya.
Nasa kabilang gilid kasi ito malayo sa pwesto nila kasama sina Mazu, Dane at Allerick na mga halatang takot rin pero hindi naman mapigilan ang lalaki.
"f**k! Baby!" Ani ng lalaki na may kasalanan ng lahat. Halata sa mukha nito na pinagsisisihan nito ang ginawa nito.
She's mad. f*****g mad. Sa mga oras na iyon ay tila nag-akyatan ang dugo niya. Ang paglapit dapat ni Seam sa kaniya ay hindi natuloy dahil sa takot sa kanya. Madilim ang mukha niya, hindi niya nagustuhan ang ginawa ng lalaki. Paano na lang kung tinamaan sila at nasaktan ang bata na hawak niya. Gusto niya sakalin si Kione sa mga oras na iyon.
Kita niya kung paano napa-atras si Seam ng tapunan niya ito ng tingin. Lumapit siya dito at inabot niya si Llyr. Mas lalo lumakas ang pag iyak ng batang babae, ayaw nito kumalas sa kaniya pilit na hinahabol siya.
"Shh.. May aayusin lang ako, okay. Wag ka na umiyak Llyr." Mahinang sabi niya dito. She kissed Llyr's forehead.
"Baby..." Kione whispered.
Sinamaan niya ito ng tingin at hindi pinansin ang tawag nito sa kanya. Bakit ba baby ito ng baby? Hindi siya sanggol, okay? Hmp!
Walang may balak na magsalita. Si Dane, Mazu, Allerick at si Seam ay nasa isang gilid lang ng silid. Pinapanood at nakikiramdam sa kanilang dalawa.
Nilapitan niya si Kione na nasa gitna ng salas. Oras na makaharap niya ito ay binigyan niya ito ng malakas na suntok sa tiyan. She heard his groan. Rinig din niya kung paano suminghap sa gulat ang mga nanood sa kanila. Wala siyang paki kung Prinsipe pa ito ng Mordecai, may mali itong ginawa kaya dapat lang iyon sa lalaki.
"What do you think you're doing, huh? Come with me, we need to talk!" She said like she had the authority. Masakit ang kamao niya dahil sa ginawa niyang pag suntok dito tiyak na namumula ang kamao niya pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Binanga niya ang balikat nito at saka pumasok sa silid niya. Hindi nagsasalita ang lalaki, tahimik lamang ito nakasunod sa kaniya. Good boy!
Oras na makapasok siya sa kwarto na nakalaan sa kaniya ay naupo siya sa kama at pinag-cross ang dalawang kamay sa tapad ng dibdib niya saka tinaasan ng kilay ang binata na tahimik lang na nasa harapan niya. Ni hindi ito kumikibo at kahit tapunan siya nito ng tingin ay hindi nito magawa.
Hindi niya napigilan ang sarili at mahigpit na hinawakan ang unan sa gilid niya at pinaghahampas iyon sa lalaki sa sobrang inis niya dito.
"Paano kung tinamaan kami ni Llyr dahil doon. Damn it! Huwag mo ko hawakan naasar pa rin ako sayo!" Aniya habang umiiwas sa paghawak nito sa kaniya.
"I'm sorry, baby. f**k!" Narinig niya ang pagmumura nito ng tamaan niya ito sa mukha. Buti nga!
Lalong nag-init ang ulo niya ng marinig niya na nagmura ito. "Minumura mo ba ko!" Galit na anas niya dito. Umusok ang ilong niya. Bawat unan na dinampot niya ay ibinabalibag niya dito. Iwas naman ito ng iwas sa kanya. Wala siyang pakialam kung matamaan at masaktan ito.
"Stop. Marzena, baby stop it!" Yamot na sabi nito sa kanya. Aba, ito pa ang may ganang magalit sa kaniya. Hindi niya ito tinigilan kahit na anong pagpigil ang sinasabi at ginagawa nito sa kanya.
Nagulat na lang siya ng bumagsak siya sa malambot na kama. Nasa likod niya ang lalaki nakadagan sa kaniya kaya naman natigil siya sa pagbato dito. Nakasuporta ang isang kamay nito sa ulo niya habang ang isa naman ay nasa baywang niya nakahawak. Hindi naman siya nito totally na dinaganan. Pero ramdam niya ang katawan nito sa likod niya. Lalo na ang alaga nito na tumutusok sa bandang puwitan niya. May kakaibang kaliti ang hatid niyon sa katawan niya.
"K-Kione.. umalis ka d'yan." Madiin na sabi niya. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa posisyon nilang dalawa. Kung may makakakita man sa kanila ay iisipin na may ginagawa silang kababalaghan. Pero sadyang makulit ang lalaki, ni hindi ito natinag sa mga sinabi niya.
"No, baby. Hanggang hindi ka kumakalma ganito tayo. Sorry na hindi ko naman alam na lalabas ka kanina, edi sana sa iba ko naibato." Paliwanag pa nito habang nakangisi sa kanya.
Aba, talaga naman!
Iwinaksi niya ito para makalayo siya sa lalaki ngunit sadyang nagmatigas ito na hindi tumayo. Inipon nito ang buhok na nakalugay niya at inilagay sa isang gilid. He kissed and suck her nape, na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Para ba na may kumakaliti sa kanya dahil sa ginagawa nito.
"Damn! Baby, you look hot when you're mad." He whispered. Marzena blushed when she heard that.
Bolero talaga kahit kailan. Tsk!
She 'tsked' para itago ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Asar pa rin siya dito dahil sa ginawa nito. Ang iniisip niya si Llyr dahil takot na takot ito kanina sa lalaki. "Get up, Kione. You need to explain why you destroy the entire room. Alam mo ba na takot na takot sa'yo si Llyr!" She says, calmly.
He took a deep breath. "I'm so sorry. I'm just mad, baby. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na ilabas ang galit ko."
"Why?"