Chapter 23

1551 Words
Chapter 23 Humigpit ang hawak ni Kione sa bewang ni Marzena. Masasabi niyang galit nga ito, halata iyon sa paraan ng paghawak nito sa kanya. Pero hindi naman siya nasasaktan, halata lang na nanggigigil ito. "Those f*****g useless old men want to make a pageant. Hell! They want to use this game they created to get women. Well, f**k them all!" What?! No way! Kung ganon ay hindi siya sasali. Nasa matinong pag-iisip pa naman siya para tumutol. Wala na ba talaga gagawin ang Council na matino at nasa ayos yung tipo na walang pera, kapangyarihan, politika, at walang babae ang madadamay. Fuck them! f**k their power and wealth! Include their status as well. f**k their useless brain. Mga hindi ginagamit sa tama ang utak at kapangyarihan nila sa halip ay ginagamit iyon sa kasamaan kung hindi man ay sa mga walang kwentang bagay. "Especially they want you in that f*****g pageant. Damn it." Anito at lumayo sa kanya. Galit na galit ito dahil hanggang sa kwarto niya ay animo handa na ito manira ulit ng gamit. "You're mine Only mine. And I don't f*****g share what's mine... f**k them all!" He says. Sinipa nito ang upuan sa harap nito. Kailan pa ako naging sa kanya? Hindi yata ako na-inform. Agad lumapit si Marzena kay Kione para pakalmahin ito. Baka mamaya ay yung buong kuwarto naman niya ang sirain nito. "Calm down." She said while holding his hand. Pero mukhang hindi siya nito narinig dahil rinig na rinig niya ang mahihinang mura nito. Hinawakan niya si Kione sa panga nito at pinaharap sa kanya ito. Tumingkayad siya at saka dinampian ito ng isang halik. "Baby, calm down." "f**k!" Mura nito sa harapan niya. Kumunot ang noo niya. Tinampal niya bibig nito, ngumuso naman ang lalaki sa kaniya. "Isa pa talaga Kione, sinasabi ko sayo." Asar na anas niya dito dahil sa pagmumura nitong muli. "Sorry na Baby. Nagulat lang ako ng tinawag mo akong baby." Anito at saka sinubsob ang mukha sa leeg niya. "f**k! Kinikilig ako." Bulong nito sa kaniya na kinatawa naman niya. She holds the hem of his shirt. "Get Llyr. Dalhin mo dito kanina ko pa naririnig iyak no'n." Utos niya dito. He nodded. Kione kissed her forehead before he came out of her room. Naupo siya sa kama at doon hinintay ang dalawa na dumating. Habang hinihintay ang mga ito na dumating ay napaisip siya kung ano ba talaga ang estado nila ni Kione. Natatakot naman siya na tanungin ito. Natatakot siya na baka masaktan lang siya sa isasagot nito. Kumportable siya kapag kasama niya ito, nagiging masaya siya, at para ba na buo ang pagkatao niya. Gustong gusto niya ang presensya ni Kione sa tabi niya. Do I love him? Mahal na nga ba niya ito? Well, hindi niya alam o mas tamang sabihin na hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya para sa lalaki. "Marzena!" Malakas na tawag sa kaniya ni Llyr. Buhat buhat ito ni Kione, ngayon lang niya napansin na para itong Ama ni Llyr at siya ang Ina nito. Natawa siya sa naiisip niya. Pilit na bumababa ang bata kay Kione. At nang makaapak ito sa sahig ay mabilis itong tumakbo papunta sa kanya. Sumiksik ito sa gilid niya tila nagtatago kay Kione. Nilabas ng bata ang dila na animo dinidilian ang binata. Kione laughed. Lumapit ito sa kaniya at ginaya si Llyr. Mukhang nakikipag-asaran ito sa bata na ikinatuwa niya. Mukhang hindi na din ito takot kay Kione, mabuti naman kung gano'n. Hinapit siya ni Kione at dahil nakahiga ito sa tabi niya ay madali lang siya nito nahigit. Para sila isang pamilya dahil sa pwesto nila. Nasa gitna siya at nasa kabilang gilid naman niya si Llyr at Kione na nakayakap sa kaniya pareho. Napatingin siya sa pinto ng may kumatok doon kaya naman agad siya lumayo kay Kione. Ayaw niya ma-issue sila. "Marzena, this is Dane. Maaari ba akong pumasok?" Tanong sa kanila ni Dane sa kabila ng pinto. "Sandali lang..." Aniya. Pilit niya binabaklas ang pagkakahawak nito sa baywang nita niya pero nagmamatigas ito. "Bitaw.. kailangan ko kausapin si Dane." "No," Kione said sharply. Sumimangot siya sa kakulitan nito. "Pag hindi ka bumitaw sinasabi ko sayo Kione hindi ka na ulit makakalapit sa akin." "Ate wag ka na lalapit kay Kuya Kione. Bad 'yan tapos masungit pa." Bulong sa kanya ni Llyr na ikinatawa niya. Mukhang hindi naman iyon narinig ng lalaki. Tinampal niya sa huling pagkakataon ang kamay ng lalaki, mukhang nahalata naman nito na naasar na siya kaya naman agad ito bumitaw at inasar na lang si Llyr. Marzena didn't know that Kione had this side, being playful and close to kids. She opened the door. Bumungad sa kaniya si Dane. "Mazu wanted to talk to you." Pag-umpisa nito. Marzena nodded. "Okay. Maliligo lang ako." Aniya. Nanlalagkit na kasi siya kanina pa gustong gusto na niya maligo. Dane glanced at her. "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" tanong nito sa kanya. Halata sa mukha nito ang pag-alala nito sa kaniya. "Nope. Okay lang ako, may pinag-usapan lang kami kanina." She explained. Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag dahil sa sinabi niya. Totoo naman nag-usap sila kanina pero syempre hindi niya sinabi dito ang pagdagan na ginawa sa kaniya ni Kione. Tumango ito. "Nasa veranda si Mazu. Sumunod ka na lang." Anito at saka siya iniwan. Ngayon lang niya napagmasdan ang buong sala ng malaking silid. Parang dinaanan ng bagyo ang buong silid. Magulo at wasak ang mga gamit. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Ang mga mamahalin na paso na may magagandang halaman ay ngayon ay sira-sira na. Si Kione ang may gawa ng lahat ng ito? Kung nagtataka kayo, sa pangalawang palapag ng palasyo kung saan nandoon ang kuwarto nila, sama sama ang mga silid nila sa isang malaking silid din kung saan naman mayroong sala at veranda sa gilid. Para ba na nakadisenyo talaga ito para sa kanilang mga kalahok ng Duellum. Napailing na lang siya habang pinagmamasdan ang sala. Sayang ang mga gamit, tiyak niya na malaking halaga ang katumbas niyon. Pero sinira lang iyon ni Kione sa isang iglap. Pumasok siya sa kwarto niya at naabutan niya na natutulog na si Kione at Llyr. Magkatabi ang dalawa, nakataas pa ang paa ni Llyr sa tiyan ni Kione. They're so cute in their sleeping position. Inayos niya ang kumot sa katawan ng dalawa, mukhang pagod ang mga ito; pagod si Kione sa paninira ng gamit sa salas habang si Llyr naman ay pagod kakaiyak kanina. Pumasok siya sa banyo at nag umpisa nang maligo. Ayaw niya paghintayin ng matagal si Mazu kaya naman binilisan na niya maligo. Napanganga siya ng makita ang katawan niya. A love bite is all over her body. Hindi niya kayang bilangin ang dami niyon. Tadtad ang leeg niya hanggang dibdib niya. Damn, paano niya tatakpan ang leeg niya. This is her first that she have hickey kaya hindi niya alam kung paano iyon maalis at matatakpan. Damn! Paano na lang kung may makakita niyon na iba, ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kanya. Ilang beses siya naghilod ng katawan pero hindi parin mawala wala sa katawan niya ang mga pula sa katawan niya. Mabilis niya tinapos ang paliligo at hinalughog ang kabinet sa loob ng banyo baka may makita siya na pwede gamitin para pantakip sa mga red marks sa leeg niya. Kahit 'yung sa leeg na lang niya ang matakpan dahil naka-shirt naman siya kaya hindi makikita ang nasa dibdib niya. Mayroon siya nakitang cream na kulay brown. Marzena doesn't know what that is for but she still tries to use it. Naglagay siya noon at mabuti na lang ay natakpan ito kahit papaano pero kailangan parin niya lagyan iyon nang kahit anong tela na maaaring pantakip doon. Sana lang ay wala makahalata. Nakakahiya talaga. Kumuha siya ng plain white shirt at isang denim short. Pero mukhang mali na magsuot siya ng short dahil may ilang marks din siya sa hita. God! Ano ba ginawa sa kaniya ni Kione at puro red marks siya. Sa halip na short ang suot niya ay nag jeans na lang siya. At bago lumabas ay nilagyan niya ng scarf ang leeg niya. Matapos magbihis ni Marzena ay pumunta na siya sa veranda kung saan naghihintay sa kanya si Mazu. Hindi na siya nagpaalam kay Kione dahil ayaw niya istorbohin ang masarap na tulog nito. Nang dumating siya doon ay may kausap na babae si Mazu. Nang lumapit siya sa pwesto ng mga ito ay tinawag niya si Mazu. Hindi niya pinansin ang kausap nito dahil ang atensyon lang niya ay na kay Mazu lamang. "Mazu." Aniya. Tiningnan naman siya nito. "Maupo ka, Marzena." Anito sa kaniya at inanyayahan siya na maupo sa bakanteng upuan sa harap katabi ng kausap na babae nito. Naupo siya doon kaharap si Mazu at katabi naman niya ang babae na kausap kani kanina lang ni Mazu. "Hi, Marzena" Bati sa kaniya ng katabi niya. Her voice looks familiar, para ba na narinig na niya iyon. May pumasok na ideya sa kanya kung kaninong boses iyon, pero malabong mangyari iyon dahil lalaki iyon at hindi babae. Nang lumingon siya para tingnan ang katabi ay halos mapanganga siya sa nakita niya. What the hell! Bakit ganito ang ayos nito? Bakit nakabihis babae ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD