Chapter 24

1344 Words
Chapter 24 Surprise. Confusion. That's what Marzena feels right now. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Nakatitig siya sa mukha ng katabi, nagtataka kung bakit ito nakabihis pang babae at may make up pa sa mukha saka yung lipstick nito sa labi ay pulang pula, dinaig pa siya. "What the hell! Bakit ganyan itsura mo?" Tanong niya kay Allerick. Yes! Si Allerick na kung sungitan siya noon ay daig pa ang babaeng may menstruation. Allerick rolled his eyes. "Duh! This is the real me girl." Maarteng sabi nito sa kanya. He looked good in a pink crop top and beige high-waist cargo pants. She glanced at Mazu. "Does the Council know about this?" She asked. "Just Mazu. I don't care about what they might say about me, pagod na ako magpanggap na lalaki. Ayoko na ng ganito, nakakapagod, nakakasawa. Gusto ko naman gawin ang gusto ko kahit na alam ko na malaki ang pagbabago at magiging iba ang tingin sakin nang tao. Mas gusto ko iyon at least nagawa ko yung gusto ko kahit na huli na." Mahabang sabi nito. Kita sa mukha nito ang pagiging pursigido nito sa bagay na iyon. Hanga si Marzena sa tapang na ipinakita nito kahit na alam nito ang maaaring kahantungan ng desisyon nito. There is nothing wrong with trying. And she will support him as her partner on Duellum. Iyon lang ang magagawa niya para dito kung hindi ang suportahan ito sa gusto nitong gawin. All she can say is Allerick is brave and amazing in his own way. He's brave to competent in what's the real him. Marzena was so proud of him na siya ang kasama niya dito. Even though walang kasiguraduhan kung makakaligtas ba sila pareho sa Duellum. "Wala pang alam ang Council, pero sa tingin ko naman ay hindi sila aalma dahil kalahok si Allerick sa Duellum. Wala sila magagawang masama sa kanya kung hindi ang hayan siya na gawin ang gusto niya." Mazu says while sipping her tea. That's good to hear. Marzena heard Allerick's complaint. "Mazu how many times do I have to tell you, it's Ericka, not Allerick. Nagtatampo na ako sayo lagi mo na lang kinakalimutan ang real name ko." Anito na para bang totoo talaga nitong pangalan ay Ericka. Sapo-sapo pa nito ang dibdib animo talagang nasasaktan ito. Damn. He reminds her of Naullan also known as Aurella, her best friend. Naaasar din kasi ito pag hindi niya ito tinatawag sa gusto nitong pangalan na Aurella. Kung paano magreklamo si Allerick- what she mean is, si Ericka ay ganun din ang matalik niyang kaibigan. If Aurella meets Ericka, tiyak na magkakasundo ang dalawa at isama mo na din si Seam ang stylist nila. She already met three gays, it's awesome. Marzena likes being or having gay friends, she like their funny sides, attitudes and they're being true to themselves. They are not plastic, sinasabi kasi nila kung ano ang gusto nila sabihin at iyon ang gusto niya. Yung totoo. "How about your mother? Alam ba niya ito?" Naalala kasi niya ang Ina nito na si Mauricia. Marzena knows his mother Mauricia, hindi ito pumapayag basta basta na lang. Lalo na kung ikasisira iyon ng image nito. She calls Ericka as she likes Aurella. Gusto niya na iparamdam dito na babae rin ang turing niya dito gaya ng ibang gay na kilala niya. They look at Mazu who stood up. "I'll be back. Pagbalik ko ay mag-uusap tayo Marzena." Anito sa kanya. "Maiwan ko muna kayo diyan." Saka ito umalis sa veranda. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin nila. Lumipat si Ericka sa harap niya kung saan nakaupo kanina si Mazu. "I want to say sorry. Kung sinusungitan kita nung una at hindi naging maganda ang pagtrato ko sayo. Hindi ko kasi alam kung paano ako makikitungo sa'yo, simula nung una pa lang." Panimula nito. Halata sa mukha nito na guilty ito. Marzena nodded. "It's okay, no worries." She said, smiling. Wala naman iyon kaso sa kanya kaya hindi na nito kailangan pang humingi ng tawad sa kanya. Ericka took a deep breath. "My mother, matagal na niyang alam kung ano ba talaga ang tunay na ako. Pero nagalit ito nung umamin ako. My own mother hates my kind. Ayaw niya sa mga katulad ko... nakakahiya raw ako." Hindi siya sumagot, hinayaan lang niya ito magkwento sa kaniya. Dama niya ang sakit na dinadala nito. And she understands what Ericka's feeling right now. Masakit para sa isang anak na hindi ka tanggapin ng sarili mong magulang. Na ikinakahiya at hindi ka suportahan sa kung ano ang nais mo. "Hell! Sarili kong Ina ikinakahiya ako... Masakit pero hinayaan ko na lang. Pero hindi ko akalain na sinabihan niya ako nang masasakit na salita. Masakit na kimkimin sa dibdib ko. Marzena ang sakit... ang sakit sakit dito." Umiiyak na sabi nito habang itinuturo ang dibdib nito. Nalulungkot siya para dito, damang dama niya ang sakit na nararamdaman nito sa mga oras na ito. Kahit siya ay hindi na niya napigilan pa na maluha, nasasaktan siya para kay Ericka. Hinawakan niya ang kamay nito para iparamdam na nandito lang siya at handa makinig at damayan siya sa sakit na matagal na nito kinikimkim. "Ang sakit na marinig sa kaniya na sana ay pinalaglag na lang niya ako o kaya naman ay binenta nalang kung alam lang daw niya na lumaki akong bakla. Hindi niya matatanggap na may ganito siyang anak. Ang tingin lang niya sa akin ay isang malaking kahihiyan. Pero tiniis ko yun kasi kahit paano ay malaki ang pasasalamat ko kay Mama na binuhay at pinalaki niya ako." Hell! Marzena didn't know that Mauricia is like this, being harsh to her own son. Why? Why they can't accept their community? Wala namang tinatapakan na tao ang mga bakla para ganitohin ang trato sa mga ito. The way how people think sucks. Really sucks! I'm not a lesbian or what but I respect and support the l***q community. Supporting them doesn't mean that I am one of them. Being a human is enough to accept them. Having a lesbian, gay, bisexual, or transgender child doesn't mean that they are a shame and disgrace to the parents, disowning your own son/ daughter because she's/ he's lesbian, gay, bisexual, or transgender is a shameless action as a parent. "Kaya nung nalaman ni Mama na ako ang isa sa napili bilang kalahok ng Duellum naging masaya pa ito halip na matakot at kabahan para sa kaligtasan ko. Ganun niya ako ka-gusto na mawala ako sa poder niya. Siguro kung straight lang ako na lalaki, tiyak na maipagmamalaki pa ako ni Mama." Umiiyak na sabi nito. Hell! She squeezed her hand. "Being yourself is never wrong, don't be ashamed of who you are. The wrong thing is kung hindi ka pa magpakatotoo sa lahat. You did great Ericka. Be proud and wave the flag of the l***q Community. Be proud that you are one of them! Don't listen to what people might say to you, you didn't do anything wrong... nothing wrong with you but the world where you live is wrong." Lalo lumakas ang iyak nito kaya nilapitan niya ito at niyakap. Hinayaan niya ito umiyak sa balikat niya. Iyak ito ng iyak. Hinayaan niya ito na ilabas ang sakit na nasa puso nito sa matagal na panahon. Paglipas ng ilang minuto ay mukhang maayos na ito kaya naman bumitaw na siya sa pagkakayakap dito. "Thank you... Salamat sa pakikinig sa akin, nabawasan at nailabas ko na din sa wakas ang matagal ko na kinikimkim sa puso ko. Maraming salamat Marzena." Ericka says, happily. Naka ngiti na ito sa kanila animo nakahinga ito ng maluwag ng sabihin nito ang problema nito. "No problem. I'm always here to listen to your problems. At hindi kita huhusgahan sa bawat maririnig ko mula sa iyo." She said. Naputol ang pag uusap nila ng pumasok na sa veranda si Mazu. Kailangan pa nga pala nila mag-usap. She doesn't have any idea what they might talk about. But she’s really nervous right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD