Chapter 25
"Pwede mo ba kami iwan sandali Ericka. May kailangan lang kami pag-usapan ni Marzena." Seryosong sabi ni Mazu nang makarating ito sa harap nila.
Ericka nodded and stood up. Bago ito tuluyan umalis ay niyakap ulit nito si Marzena at nagpasalamat, ginantihan naman niya ito saka nagpaalam.
Nang mawala sa paningin ni Marzena si Ericka ay tumingin siya kay Mazu. Mazu sat in front of her.
Kinabahan siya bigla sa maaaring itanong sa kaniya nito. What should she reply? Kailangan ay maingat at na pag-isipan niya nang mabuti ang bawat isasagot niya dito.
"Anong mayroon sa inyo ni Sir Kione?" Umpisa na tanong sa kanya ni Mazu.
Hindi agad nakasagot si Marzena dahil hindi niya napaghandaan ang tanong nito. So, si Kione ang pag-uusapan nilang dalawa at mukhang alam na rin niya kung anong patutunguhan ng pinag-uusapan nila.
Nang makabawi siya sa pagkagulat mula sa tanong nito ay pinatapang niya ang mukha niya.
"Nothing.." She whispered.
Pinaglaruan niya sa ilalim ng lamesa ang kamay niya. Para ba namamawis ang kamay niya bigla.
Mazu took a deep breath. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kanina sa Prinsipe. Alam mo naman siguro na maaari kang mapahamak sa ginawa mo, hindi ba?"
Yes, I know that. Alam na alam niya iyon.
Marzena nodded. "Yes..."
"Then bakit mo pa rin ginawa!" Hindi na nito napigilan ang sarili na taasan siya ng boses.
Napapitlag si Marzena sa kinauupuan niya dahil sa ginawa nitong pagsigaw sa kanya. This is the first time Mazu raised her voice on her and she didn't expect that. Ganoon ito kagalit sa ginawa niya.
"I'm sorry. Alam ko naman na mapapahamak ako dahil sa ginawa ko pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." Aniya sa kausap.
Hindi naman niya gusto na suntukin si Kione, nadala lang siya ng galit at isa pa iniisip lang niya si Llyr. Pero hindi niya masabi iyon. Hinayaan na lang niya na pagalitan siya ni Mazu. Marzena knows na iniisip lang nito ang kaligtasan niya, nilang lahat.
Mazu stood up. Pumamewang ito habang pabalik balik na naglakad sa harap niya. "Hindi ko na alam ang sasabihin ko sayo Marzena. Nag-aalala lang ako sa maaaring mangyari sayo kapag nalaman iyon ng Council. At pag nangyari iyon alam mo na hindi na kita matutulungan."
Hindi siya sumagot. Hindi na rin niya alam kung ano ang sasabihin niya dito. Dahil tama naman lahat nang sinabi nito.
Nahinto ang pag-uusap nila nang may tumawag kay Mazu. Hindi nila napansin na nakapasok na pala si Dane sa veranda kung nasaan sila ni Mazu. Masyado din siyang lutang sa pagiisip niya ngayon kaya hindi niya napansin ang presensya nito.
"Mazu, pinapatawag ka ng ibang Council, nasa hardin sila ng palasyo," Dane said.
Bumuntong hininga ito. "Layuan mo si Kione, hindi kayo maaaring magsama ng matagal na dalawa. Alam mo kung saan ka lulugar Marzena. Prinsipe siya habang ikaw isang hamak ka lang na mamamayan ng Ellesmere na napili bilang kalahok ng Duellum. Huwag mo sana iyon kalimutan kung bakit ka naririto sa Mordecai." Sabi nito sa kanya bago sila iwan sa veranda.
Nasaktan siya sa sinabi nito sa kanya. Kailangan pa ba nito na sampalin siya nito ng ganon na salita. Alam niya na prinsipe si Kione kaya dapat lang na hindi sila maging malapit sa isa't isa, pero bakit kailangan pa nito hamakin siya. Dammit.
Kumuyom ang kamao niya sa galit. How can she avoid Kione? How can she do that? Isipin pa nga lang niya na malayo sa kanya ang lalaki ay para bang ilang milyon na kutsilyo na ang tumarak sa puso niya. Hindi niya kaya and she hate that feeling.
"Dammit!" Galit na anas niya.
"You're in love with him..."
Hindi pala umalis si Dane ng tawagin nito kanina ang kausap buong akala niya ay sumunod na ito kay Mazu. Pero ito naman ang pumalit sa pwesto ni Mazu. Naupo ito sa harap niya, Dane hold her hand and squeeze it.
"You're falling for him, aren't you?" Dane asked.
The truth is... she doesn't even know the answer. She isn't familiar with the feeling- love.
"I... I don't know... Dane." Mahina niya sabi sa babae. Marzena glanced at Dane. "How can I say that I love someone? That I love him?"
Binitiwan nito ang kamay niya ay inilagay ang hintuturo sa ilalim na baba nito animo nag-iisip. "Well let me ask you a question."
Marzena nodded. "Okay."
"The first question do you always think of him?"
She nodded. "Sometimes."
Actually, she always thinking of Kione, minsan nga ay bigla na lang ito papasok sa isip niya. Is thinking of him is a sign of falling in love? Maybe not. Imposible naman siguro iyon dahil kakakilala pa lang niya dito kaya malabo na mahalin niya agad si Kione.
"Check you in love because if you love someone you may feel like you can't get them off of your mind," Dane says, excitedly.
Yeah, sometimes she feels like that to Kione. But siguro ay niloloko lang si Dane. She needs more signs to believe that she really loves Kione.
"No this can't be love, Dane. Tell me more." Nakaramdam siya ng kaba sa maaaring kahahantungan ng ginagawa nila ngayon.
Natawa naman ang kausap niya. "Okay... okay. Next question, you crave for him I mean you can't get enough of him? Did you feel that towards Kione?"
Her eyes went big when she heard the last word. "What? Bakit nasali si Kione? I mean, I'm not falling to Kione." Taranta niyang sabi. Ramdam niya na nag-init ang pisngi niya. Gosh!
How did Dane know that?
Ganun ba kahalata na may gusto siya kay Kione. Humahanga siya dito pero hindi niya alam kung matatawag na ba niya na pagmamahal ba iyong nararamdaman niya para sa lalaki.
Dane laughed. "Okay you don't need to panic, your secret is safe with me. I wouldn't tell anybody that you love Sir Kione." Pang aasar sa kaniya nito.
Lalo lang namula ang pisngi niya. Sa sobrang kahihiyan na naramdaman niya ay tinakpan niya ang pulang pula na mukha niya at baka mapansin pa nito.
"I'm not!" Asar na sabi niya dito para pagtakpan ang kahihiyan na nararamdaman niya ngayon.
Tawa lang ito ng tawa. Para ba hindi ito yung Dane na una niyang nakita, yung cold at masungit. Iba na ito makitungo sa kaniya simula ng mag-open ito tungkol sa buhay nito sa training area sa Aero 1701.
"Next question na nga, you always want him around?" Anito at may pataas taas pa ng kilay sa kaniya animo tinutukso siya.
She rolled her eyes. "Yes." Walang pag aalinlangan na sagot niya dahil totoo naman.
Mas lalo nabubuo ang araw niya kapag nakikita niya ito at nakakasama. She felt safe and complete too. She's happy when he's around. Marzena loves his presence on her side.
"Next is you're scared. Scared of losing him." Dane says.
Tumango siya. "Yes. I'm scared," she whispered.
She's scared of losing Kione. Iniisip pa lang niya ay parang hindi na niya kakayanin. Kahit na may makita lang siya na may iba itong kasama, nasasaktan na siya lalo na kung hindi siya ang kasama nito.
Dane nodded. "Then... for you Marzena how can you say that you like Kione as a man?"
Kione is different from the other men out there. She can say that, kahit na ilang beses pa lang niya nakakasama ang lalaki, pero ramdam niya iyon.
"Ah... Kione is different from anyone else, he inspires me to be a better person. I like his presence and I feel safe when I'm with him." Naalala niya yung sinabi sa kanya nito noong araw ng parade na kinukutya siya ng mga tao dahil sa lugar na pinanggalingan niya. Pinatatag nito ang loob niya, hindi niya iyon inaasahan pero ramdam niya ang mga sinabi nito kahit ngayon ay nakatatak parin iyon sa isip niya.
You have to believe in yourself no matter what the external circumstances are. Strengthen your vision and have hope that things can get better.
Iyan ang mga binitawan na salita sa kaniya ni Kione. He inspires me to be a better person than I can do what I need to do.
"Then congrats, you're in love," Dane said while clapping, happily.
"I am?"
Dane nodded. "You are... Don't be afraid to fall in love, Marzena."
But I'm afraid. What if Kione doesn't love her? It hurts. This is the first time she has felt this kind of feeling.
"Paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman. Dane ayokong masaktan." Aniya.
Dane squeezed her hand. "Marzena... love hurts. But it hurts more if you lose the man you love knowing you didn't fight to make him stay."
Dane is right. Hindi siya susuko hanggat hindi niya ibinibigay ang lahat ng kaya niya para mapanatili si Kione sa tabi niya. She will make everything to make Kione stay.
"Talk to him, kung ano ba talaga ang nararamdaman niyo sa isa't isa. Kung ano ba talaga ang mayroon kayong dalawa. To make it clear and to avoid confusion."