Chapter 26

1576 Words
Chapter 26 She wants to talk to Kione. Gusto niya malaman kung ano ba talaga ang mayroon sila. Marzena wanted to know the real score between them. Ayaw niyang umasa na lang and mag-expect ng kung ano-ano. Kaya gusto niya habang maaga pa ay malinaw na niya ang lahat kay Kione. She's happy and scared at the same time. She loves Kione kahit na kakakilala pa lang niya dito. Siguro mabilis para sa iba pero iyon ang tunay na nararamdaman niya, hindi na niya ito itatago at itatangi pa. Naglalakad siya ngayon papuntang kuwarto niya doon kasi niya kanina iniwan ang lalaki na natutulog kasama ni Llyr. Nang makarating siya sa harap ng pinto ng kwarto niya ay kinakabahan pa siya na buksan ang pinto. She took a deep breath bago nagpasya na buksan ang pinto. Dahan-dahan niya iyon binuksan, baka kasi tulog pa ito at si Llyr. Sumilip siya pero ang bata na lang ang nakita niya na nakahiga sa kama niya. "Kione..." Aniya sa mahinang boses. Pumunta siya sa banyo para tingnan ang lalaki pero hindi niya ito nakita. Where is he? Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaki. Siguro ay may pinuntahan lang. Babalik naman siguro iyon agad. Hihintayin na lang niya ito dito. Ayaw naman niya iwan magisa si Llyr dahil baka hanapin siya nito pag nagising ang bata. Tumabi na lang siya dito hanggang sa makatulog siya. Nagising si Marzena ng maramdaman na may sumusundot sa mukha niya. Kumunot ang noo niya. Narinig niya ang hagikgik ng isang bata-- Llyr. Nang idilat niya ang mata ay bumungad sa kaniya si Llyr na pinaglalaruan ang mukha niya. "Good afternoon, Ate Marzena." Sabi ni Llyr sa kaniya habang humahagikgik sa gilid niya. Napasarap pala ang tulog niya. Inilibot niya ang tingin nagbabaka sakali na makita ang hinahanap niya. Pero bigo siya, walang Kione sa kuwarto niya. Siya at si Llyr lamang ang tao sa silid niya. Bumalik na kaya dito si Kione? She smiled. "Good afternoon," she said. Bumangon siya at umayos ng upo, sumandal siya sa headboard ng kama. "Pumunta ba ulit dito si Kuya Kione mo?" Tanong niya sa bata. Umiling si Llyr. "Hindi pa po bumabalik si Kuya Kione simula kanina." Bumaba sa kama ang bata at saka lumapit sa side niya. Llyr kissed her cheek. "Bye, Ate punta muna ako kay Kuya Ericka." Marzena laughed, loudly. Tiyak na pagnarinig ni Ericka ang sinabi ni Llyr siguradong maasiwa ito sa tawag ng bata. Tinawag pa kasi nito na Kuya si Ericka, kahit na babae na ito ngayon. "It's Ate Ericka, Llyr. Magagalit siya sayo pag narinig ka ni Ericka na tinawag mo siyang Kuya." Aniya sa bata. Tumango naman ito at saka mabilis na tumakbo palabas ng silid niya. Siya naman ay pumasok sa banyo para maghilamos at mag-ayos nang sarili. Balak kasi niya hanapin ang binata baka nasa labas ito ng palasyo. Nag-ayos muna siya ng sarili, nagsulay at naglagay din siya ng konting pulbos sa mukha para kahit papaano kapag humarap siya sa lalaki ay ka-aya-aya naman siya tingnan. Bago lumabas ng tuluyan ay sinulyapan muna niya ang sarili. Nang makuntento siya ay ngumiti siya sa harap ng salamin saka lamang siya lumabas. "Where are you going?" Mazu asked when she stepped out in her room. "Sa labas." Tipid na sagot niya sa kausap. Nakaharang ito sa daraanan niya kaya hindi siya makadaan. Pinagmasdan siya ni Mazu, simula ulo hanggang sa paa niya. Nakakailang man pero hindi siya nagsalita hinayaan lang niya ito na titigan siya. "Alalahanin mo ang pinag-usapan natin, Marzena." Matalim na sabi ni Mazu sa kaniya bago tumabi sa gilid para paraanin siya. "Layuan mo si Kione. Hindi siya makakabuti para sa'yo." Her blood boils. Hindi na niya nagugustuhan ang sinasabi sa kanya na salita ni Mazu. Ang paghanga niya dito ay unti unti nawawala. Iba na din ang pakiramdam niya dito simula ng mapansin nito ang mayroon sila ni Kione pero hindi niya iyon pinansin dahil malaki na ang naitulong nito sa kanila. Sasagot na sana siya ng may magsalita sa likod niya. "Hayaan mo siya Mazu. Malaki na si Marzena alam na niya ang ginagawa niya." Dane said and wink at her. Dane really supports her. Marzena smiled at the lady and Dane smiled back. Tumango sa kaniya ito at tinapik nito ang balikat niya mahina pa siya nitong tinulak animo na pinapaalis na siya. Kaya naman iniwan na niya ang dalawa. Nang makarating siya sa pinto ay nilingon niya ang dalawa. Nakita niya na nag-uusap sina Dane at Mazu. Halata na seryoso ang pinag-usapan ng mga ito. She can see how mad Dane is. Why? What is happening? Dahil ayaw niya na makialam sa dalawa ay lumabas na siya. Nagulat pa siya ng makita niya si Seam na tumatakbo papunta sa gawi niya. Sinalubong niya ito. "Hey-" Seam cut her. "Did you see Dane?" Agad na tanong nito sa kanya kahit na hihingal hingal ito sa harap niya. Naguguluhan man sa inaakto nito ay sinagot niya ang tanong nito. "Yes. Nasa loob kausap si Mazu. Bakit may problema ba?" Marzena can hear Seam cuss. "f**k!" Anito at saka tumakbo papunta sa nakalaan na silid sa kanila kung saan iniwan niya si Dane at Mazu. Nagkibit balikat na lamang siya at saka pinagpatuloy ang paghahanap kay Kione. Kahit hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa paghahanap dito. Nalibot na niya ang buong palapag ng palasyo pero hindi parin niya natatagpuan ang binata. Kaya naman naisipan niya na bumaba at baka nandoon ang lalaki. It's already five o'clock in the afternoon and still no Kione. Isa't kalahating oras na siya naghahanap pero hindi parin niya nakikita ang hinahanap niya. "Where are you Kione?" She whispered to herself. May nakita siyang maid kaya naman napagpasyahan na niya na magtanong na at nagbabakasakali na baka may nakakita kay Kione. "Miss." Tawag niya sa babae. Nagtataka na lumingon ito sa kanya. Lumingon muna ito sa paligid bago ibalik sa kanila ang tingin. "Ako po ba ang tinatawag nyo Ma'am?" Magalang na tanong nito sa kanya. She nodded. "Yes. May itatanong lang ako." Huminto muna ito sa paglilinis at saka siya hinarap at tanungin. "Ano po ba iyon?" "Alam mo ba kung nasaan si Kion- I mean si Sir Kione. Kanina ko pa kasi siya hinahanap." Muntik pa niya matawag si Kione nang walang Sir buti na lamang ay maagap niya na nabawi ang sinabi. Mukhang kinilig naman ito ng binanggit niya ang pangalan ni Kione. Napailing siya sa inasal ng babae. "Naku opo, Ma'am. Nakita ko may kasama po si Sir Kione na magandang babae. Ang sweet nga po nila tingnan. Bagay na bagay po sila, gwapo si Sir tapos maganda naman yung kasama niya." Masayang sabi ng kausap niya at kita sa mukha nito na kilig na kilig ito habang inaalala ang nakita nito. Nasaktan siya sa narinig. Para ba na pinupunit ang puso niya. May kasama itong ibang babae. Kasintahan kaya iyon ni Kione? No! Paano ang nangyari sa kanila, niloloko at pinaglalaruan lang ba siya nito? Kung may girlfriend pala ito bakit ganito na lang siya tratuhin nito? Like he cares for me. Dammit! It hurts. "S-saan ko sila makikita?" Mahinang tanong niya dito. Pinilit niya ang sarili na huwag pumiyok at nagtagumpay naman siya doon. "Kailangan ko na kasi siya talaga makausap." Nang sinabi nito kung nasaan ang lalaki na kanina pa niya hinahanap ay malalaki ang hakbang na pinuntahan niya ang kinaroroonan nito. Gusto niyang kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi sa kanya nang maid. Her heart pounds loudly, she can ever hear the sound of it. She was nervous and afraid kung ano ang maaari niyang maabutan. Pinalakas niya ang sarili, ayaw niya harapin si Kione na nanghihina siya at apektado siya sa nangyayari. Sana... sana ay hindi totoo ang sinabi ng maid sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung makikita nga niya ito na may kasama na iba lalo na kung kasintahan ito ni Kione. Maybe she will forget him even though it would hurt her. Ayaw niya makasira ng relasyon... pero nakakasira na siya simula nung may nangyari sa kanila ni Kione. Shuta ka Marzena! Dahil sa karupukan mo nakakasira ka ng isang relasyon. Nakakahiya ka! Anas niya sa sarili. Bakit ba kasi ang tanga niya? Bakit ang dali niya magtiwala dito? Bakit ba niya pinapasok agad ito sa buhay niya? Marami pa siyang bakit na gusto sabihin. Nang matanaw niya na malapit na siya sa likod ng palasyo kung saan may malawak na damuhan ay para ba na bumalik ang takot at kaba na nararamdaman niya kanina. Malayo pa lang siya ay rinig na niya ang masayang tawanan na nagmumula sa likod. Naiisip pa lang niya ang maaaring maabutan niya doon ay parang sinasakal na ang puso niya. Please.. sana ay walang katotohanan ang sinabi sa kaniya nang maid. Marahan siya lumapit kung saan naririnig niya ang mga tawa. Nakita niya si Kione at ang isang babae. Marzena knew that girl, gaya niya ay kalahok din ito sa Duellum. She remembered her name. It's Annaleigh if she's not mistaken-- from Kestramore the second ward. They looked happy together. Kita sa mukha ni Kione ang pagkasaya nito habang kausap si Annaleigh. She felt jealous seeing them happy. Fuck! Sana ako na lang... ako na lang ang kausap ni Kione ng ganon. Hindi pa niya nakikita na ganun kasaya ang lalaki pag kasama niya ito, ngayon pa lang. Hell! It really hurt like f*****g hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD